^

Bansa

FOI bill aprub sa House

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aprubado na ng House Committee on Public Information ang kontrobersyal na Freedom of Information (FOI) bill.

Unanimous ang na­ging botohan ng mga mi­yembro ng komite kung saan sa ilalim ng naipa­sang consolidated version ng FOI bill ay iniatas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ang otomatikong paglalabas ng impormas­yon, kasama na rito ang mga kontratang pinasok ng mga ito hanggang sa Statements, Assets Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal.

Nakasaad naman sa limitasyon ng panukala ang hindi paglalabas ng impormasyon kaugnay ng National Security at Foreign Policy, Personal Privacy, on going criminal investigation at business trade secrets.

Sa loob ng 15-araw, obligado ang mga opisyal na sagutin at tugunan ang request for information.

Bukod dito kailangan din may mahusay na paliwanag at basehan kung tatanggihan ang isang request.

Sakaling maging ganap na batas ang FOI bill ay mahaharap sa kasong administratibo ang isang opisyal hanggang dismissal sa serbisyo ang pwedeng maging parusa gayundin sa criminal case na may katapat na anim na buwang kulong at may haharapin pang civil case.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with