^

Pang Movies

Alden at Maine parehong may sakit!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit parehong may sakit ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, dumalo pa rin sila sa grand presscon ng first teleserye nila sa GMA 7, ang Destined To Be Yours noong Valentine’s Day.

Nagkasakit sila dahil napakalamig sa kanilang location sa bundok ng Dolores, Quezon. 

Pero maaga pa that day, nasa Broadway studio na nga sila para sa kanilang AlDub Valentine Special sa longest running-noontime show. After ng EB, nag-rest na lamang sila para sa presscon kinagabihan sa B Hotel –Bellevue, in Quezon City.

Bago ang presscon proper, may ibinigay munang heart-shaped na box si Alden kay Maine na puno ng red roses. Sa kabisihan daw nilang dalawa, pareho silang hindi na nakabili ng Valentine gift sa isa’t isa. Namigay naman ng long-stemmed red roses ang mga gentlemen sa cast sa members ng entertainment press na dumalo sa presscon.

Isa sa mga natanong sa cast ay sina Juancho Trivino at ang baguhang si Koreen Medina, kung handa na raw ba silang ma-bash ng fans dahil may konek sila kina Alden at Maine sa story?  Si Juancho as Badong ay best friend ni Sinag (Maine) na kahit secretly in love kay Maine. Si Koreen naman ay gaganap na si Marjorie, anak ng richest family sa Pelangi na na-in love kay Benjie (Alden).

Nakakatanggap na nga raw ng bashings ang da­lawa, hindi pa man nagsisimula ang teleserye at sabi ni Juancho, hindi na lamang niya pinapatulan dahil noon pa man ay nakararanas na rin siya ng bashing. Basta ang sabi na lang niya, professional siya, at gagalingan na lamang niya ang acting niya para wala silang masabi sa kanya.

Si Koreen ay baguhan lamang dahil produkto siya ng Starstruck 6, iba raw magmahal ang fans nina Alden at Maine pero ginagawa raw lamang naman niya kung ano ang inuutos ni Direk Irene Villamor. Pero sa set, isa raw siya sa kinikilig sa mga nakikita niya at honored siya to work with Alden at Maine.

To the rescue naman kina Juancho at Koreen sina Alden at Maine na alam naman nating suki rin ng mga basher, ng mga OSF (one sided fans) na hindi masaya kung hindi sila makasakit ng damdamin ng dalawa.

“Sana po maintindihan nila na work lamang kami,” sabi ni Alden. “Wala po kaming ginagawa, masaya lamang kami, kapag sama-sama kami sa set.”

“Totoo po, walang personalan, trabaho lamang kaming lahat,” sabi naman ni Maine. “Acting po lamang lahat ang ginagawa namin sa bawat eksena.”

Ang Destined to Be Yours ay magkakaroon ng world premiere simula sa Lunes, February 27, pagkatapos ng Encantadia. 

Makakasama rin nina Alden at Maine sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Sheena Halili, Dominic Roco, RJ Padilla at si Ms. Janice de Belen sa muling pagbabalik niya sa GMA Network.

Kris tinapos na ang misyon sa mga anak

Itinuloy din ni Kris Aquino ang birthday celebration niya sa Hong Kong noong Valentine’s Day.  Kinansela na niya ito noong una dahil sa insidente sa MTR station sa Hong Kong. 

Pero ayaw daw niyang ma-disappoint ang mga anak na sina Josh at Bimby na siyang pumili ng lugar kung saan siya nag-celebrate ng birthday niya noong February 14, na kinahapunan nag-post na siya ng picture nilang mag-iina sa “Happiest place on earth, ang Hong Kong Disneyland.  Mission accomplished.”

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with