^

Pang Movies

Full trailer ng serye nina Alden at Maine mapapanood na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Love day talaga sa Valentine’s Day presentation ng Eat Bulaga ngayong Tuesday, February 14 dahil walang taping sina Alden Richards at Maine Mendoza ng kanilang first teleserye sa GMA-7, ang Destined To Be Yours.

May sorpresa ang long-running noontime show sa AlDub Nation (ADN) fans nina Alden at Maine, titled AlDub Valentine’s Special at ilang araw nang ipinakikita ang teaser kung saan may isinusulat si Alden na: “Sa isang pagkakataon ang mundo ay maaaring mag-iba... Mas makulay, mas masaya... Dahil nandyan ka... Ang imposible nagkakatooo pala, dumara­ting kapag itinakda... Hihintayin kita.”  May teaser din si Maine na naglalakad sa kalye, at sabi niya marami raw siyang napupuntahang lugar, maraming mukha siyang nakikita, pero alam niyang isang araw ay darating siya.

Pero hindi sa Eat Bulaga matatapos ang kaligayahan ng ADNs dahil kinagabihan naman sa 24 Oras ay mapapanood na sa unang pagkakataon ang full trailer ng Destined To Be Yours. May Valentine’s date rin kaya sila after ng grand presscon ng kanilang series na gaganapin ngayon?

Janine nagsalita na sa trauma kay Elmo

Loveless si Janine Gutierrez dahil matagal na rin silang nag-break ng dating boyfriend niyang si Elmo Magalona. Sa presscon ng bago niyang afternoon prime drama series na Legally Blind, inamin niyang hindi pa siya muling nag-i-entertain ng manliligaw. Traumatic ba ang kanilang break-up?

“Wala po namang kinalaman ang break-up namin ni Elmo,” sagot ni Janine. 

“Naging very busy po lamang talaga ako nga­yon, kasi bukod po dito sa Legally Blind, nagho-host din ako ng Day Off, with Ken Chan para sa GMA News TV. Naka-move on na rin po ako sa nangyari sa amin. Masaya naman ako kahit single, nakakontrata na po lamang ako sa sarili ko na lamang. Happy ako being focused on my work.”

Pero sa kabisihan ni Janine, mahirap daw pero happy pa rin siya living alone sa condo unit niya sa Greenhills. Mahirap daw kasi talagang kaila­ngan niyang maging responsible sa pagma-manage ng kanyang finances. Natatawa niyang kuwento, minsan daw ay nalimutan niyang mag­bayad ng electric bill, mabuti na lamang at hindi siya naputulan ng kuryente. 

Sa February 20, mapapanood na, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos ang Legally Blind.

Sa direksyon ng kanyang Tito Ricky Davao, husband ng kanyang Tita Jackie Lou Blanco na kapatid ng daddy niyang si Ramon Christopher, thankful si Janine na inalalayan siya nito sa lahat ng mga mahihirap na eksena.

vuukle comment

ALDUB NATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with