^

Kutob

Pebrero 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi mawawala ang manlilibre sa araw na ito. Kaya maipu-push ko pa ang budget ko.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) –  Bigyang laya ang sarili sa pag-ibig. May magandang kapalaran na naghihintay. Maaaring dumating na ang matagal nang hinihintay o inaasahan.  Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at Garnet Red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –   Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung kikilos, tiyak may mangyayari. Kung may lalakarin sa umaga dapat isagawa at tiyak positibo ang magiging resulta. Ipospond ang anumang appointments sa bandang hapon dahil walang mangyari at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 34 at Jade Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maipapakita ang magandang ugali sa kabila ng hindi magandang ipinakikita ng kapitbahay o kasamahan. May araw din na maliliwanagan siya sa tunay mong pagkatao. Maaaring ikaw ay maging isang magandang halimbawa sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang  8, 10, 15, 28 at Purple.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging suliranin ang pag-ibig. Malamang ang break-up sa magkasintahan o magkaroon ng hindi pagkaunawaan na hahantong sa hiwalayan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at Garnet Red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Makakatulong ka sa isang kamag-anak na may karamdaman o pangangailangan. Magiging angkop ang araw sa pagdalangin at pagdalaw sa kamag-anak.  Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 18, 26 at Royal Blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May taong lalapit upang hingin ang iyong opinyon tungkol sa pag-unlad ng negosyo, personal o ibang bagay. Maaaring matulungan mo siya o sila ngunit kailangan ang masusing pag-aaral sa kanilang suliranin.  Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 39 at Indigo. 

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Magiging kasundo ang isang bagong kakilala at malamang hahantong sa pagiging mabuting magkaibigan. Ang buong maghapon ay magiging masaya ngunit dapat iwasan ang marangyang paggastos. Simulan ang pagtitipid. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 39 at Pearl Pink.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Magiging mapaghamon ang araw subalit huwag mabahala dahil mananaig ang kapakanan. Relax at huwag mag-pa­nic. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 12, 30 at Avocado Green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging madaling gampanan ang mga gawain. Makakatulong at maipapakita sa mga kasamahan ang ganap na koo­perasyon sa mga gagawing proyekto subalit mag-ingat dahil may ilan na hindi pagkakatiwalaan.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may binabalak na lakad, mag-ingat sa bawat hakbang lalo na sa mga hindi pantay na lugar dahil may kahinaan ang bandang ibaba ng katawan.  Lucky numbers at color for the day ang 3, 25, 27, 45 at Mint Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Unahin ang gawain na inaakalang madaling matapos. Maaaring mapag-usapan upang magkaliwanagan ang mga bagay-bagay na hindi nagkaroon ng unawaan.  Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 19, 24 at Lavander.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  May hatid ng kasiyahan sa mga magkaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Magiging masaya ang isang kaibigan sa iyong pagdalaw kung bibigyan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 40 at Peach.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with