^

Punto Mo

NBI at PNP, ‘wag magsapawan sa imbestigasyon

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI nagkakakatugma ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kasong pagkidnap at pagpatay sa negos­yanteng Koreano.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Senado kahapon na may pagkakataon na magkasalungat ang imbestigasyon mg NBI at PNP na hindi dapat mangyari .

Ito ay kaugnay ng pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jew Ick Joo na ang pangunahing suspek ay si SPO3 Ricky Sta. Isabel na ayon sa imbestigasyon ay sa loob pa ng Camp Crame pinatay ang kidnap victim at dinala sa crematorium  sa Caloocan City.

Isa sa magkasalungat na pahayag sa imbestigasyon ng NBI ay walang nakuhang golf set sa punerarya samantalang ang PNP ay meron na kinumpirma na pagmamay-ari ng kidnap victim.

Dahil dito, parang nagpapaligsahan ang PNP at NBI sa imbestigasyon kung saan ay baka magresulta ito ng pagka-absuwelto ni Sta. Isabel.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang paglilitis na gagawin sa korte ay pagbabatayan na kailangan ay walang duda na nagkasala ang isang akusado.

Kung hindi magtutulungan ang NBI at PNP sa kasong ito ay maaring maabsuwelto sa korte ang mga akusado sa pagkidnap at pagpatay sa Koreano.

Dahil dito, sa huli, ang taumbayan at gobyerno ang talo o dehado kapag naabsuwelto sa kaso ang mga akusado at malaking dagok ito sa criminal justice system sa bansa.

Hindi lang sa kasong ito dapat mag-ugnayan ang NBI at PNP bagkus sa mga kahalintulad na pagkakataon at tiyakin na sila ay may maayos na koordinasyon. Dapat iisa lang ang maging misyon at ito ay lumitaw ang katotohanan at maparusahan ang tunay na may sala sa krimen.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with