^

Pang Movies

Nora naungkat na ‘di na maka-memorize ng script, pagpatay ng aso at Indie Filmfest, pinagdebatehan sa Senado!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

May hearing pala kahapon tungkol sa panukala ni Senator Tito Sotto tungkol sa issues ng nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF). Isa na rito ang panukala ni Se­na­tor Tito Sotto na paghiwalayin ang festival ng mainstream at indie movies, huh!

Sa report na lumabas sa social media, nakita namin si Nora Aunor sa mga dumalo sa hearing at nandoon din sina Senator Joel Villanueva at Sotto.

Sa Philstar.com, may video si Ate Guy na naglabas ng hinaing dahil sa zero grade na nakuha ng entry niyang Kabisera sa Cinema Evaluation Board (CEB). Naungkat tuloy muli ang pagkawala ni Nora sa entry na Oro dahil hindi raw maka-memorize ng linya, huh! Bumuwelta naman si Ate Guy na sinungaling si Alvin Yapan.

Siyempre, tinalakay rin ang issue sa pagpatay ng aso sa Oro at present ang director na si Yapan. Present din si Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Maraming kontrobersiya sa nakaraang MMFF.  Hindi pala sumabay ‘yon sa pagtatapos ng festi­val.  Nakarating din pala sa Senado. Last year, hanggang Kongreso lang ang pagresolba ng issues.

Pinangunahan ni Senador Grace Poe ang pag-preside ang MMFF hearing in aid of legislation. It’s not yet over, MMFF!

Robin magiging kumare si Vina,  pero tameme na magiging lolo na

Sa selebrasyon ng 1st Philippine Republic sa Malolos, Bulacan nu’ng isang araw nagsabi si Robin Padilla kay Vina Morales na magi­ging ninang siya ng anak nila ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella.

Sa post ni Vina sa Instagram account, magkasama silang nag-duet ng ex-boyfriend.

“It’s always fun singing with you bin @robinhoodpadilla. Walang kupas ang iyong kabaitan. Sama na ang kaguwapuhan haha. Alam ko yan ang mas gusto mo marinig haha. Happy that you are with your family now. @marieltpadilla @robinpadilla.”

Message naman ni Robin: “Ninang ka ha @vina_morales.”

Tugon ni Vina, “Wow bin. I’m touched salamat sa tiwala. Yes from Ninang Vina. Always praying for your fa­mily.”

Father uli si Robin kay Mariel. Sa isang banda, lolo naman siya sa anak na si Kylie Padilla, huh!

Kung naglalabasan na ang write up na three months nang buntis si Kylie sa boyfriend na si Aljur Abrenica, sabik na sabik na ring malaman ng publiko ang reaksyon ni Ro­bin na very vocal sa pag-ayaw kay Aljur para sa anak, huh!

vuukle comment

SENATOR TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with