^

Punto Mo

Daga na nahuling nagnanakaw ng bigas, ‘ipinahiya’ sa China

THE GAME OF MY LIFE - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG daga na nahuli ng may-ari ng isang tindahan sa China na nagnanakaw ng bigas ang pinarusahan sa pamamagitan ng paggapos at “pagpapahiya” rito.

Itinali ng may-ari ng tindahan sa Heyuan City ang mga paa ng daga at sinabitan pa niya ito sa leeg ng maliit na karatulang nagsasabing hindi raw aamin ang daga sa kanyang pagnanakaw ng bigas kahit ito ay tortyurin pa.

Hindi pa nakuntento ang may-ari sa paglalaro sa daga dahil kinunan ulit niya ito ng litrato kung saan nag-iba na ang nakasulat sa maliit na karatula.

Sa mga sumunod na larawan ay mukhang pagod na ang daga at umaamin na ito sa kanyang pagnanakaw ng bigas base sa nakasulat sa karatulang nakasabit sa leeg nito. Nangako na rin itong hindi na uulit muli sa pagnanakaw, ayon sa nakasulat.

Marami ang nag-react sa China sa mga larawan ng daga. Inihalintulad ito sa naging karanasan ng mga Chinese noong panahon ni Mao Zedong kung kailan marami ang sinabitan ng karatula sa leeg upang ipahiya noong kasagsagan ng Cultural Revolution.

Wala namang nakaaalam kung buhay pa rin ang nahu­ling daga.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with