^

Punto Mo

Ang Bangkang Nakatali pala sa Puno

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KAHIT malakas pa ang hangover dulot ng pakikipag-inuman nang nagdaang gabi, pinilit ng mangingisda na gumising nang maaga para makarami sa mahuhuling isda. Kinuha niya ang kanyang maliit na bangka at nagsimulang sumagwan habang madilim pa ang paligid. Kaso umaraw na’t lahat, naroon pa rin siya sa aplaya. Dala marahil nang kalasingan, hindi niya napansin na hindi niya tinanggal sa pagkakatali sa puno ang kanyang bangka. Kaya pala kahit abutin siya ng sandaang taon sa pagsasagwan, hindi siya umuusad sa kanyang kinaroroonan.

Hahanga ka sa babaeng ito na walang absent sa pagsimba. Umaraw man o bumagyo, pipilitin talaga niya na present siya sa bawat araw ng pagsamba. Maliit lang ang kanyang kinikita pero regular siyang nagbibigay ng donasyon sa simbahan.

Mahirap ang buhay ng babae. Umaasa lang siya sa tulong ng kamag-anak. Doon sa kamag-anak na mayaman, maamo pa siya sa tupa. Dadaigin ang anghel sa sobrang kabaitan. Malaki-laki rin kasi ang naiaabot sa kanya. Pero bakit napakasungit niya sa kanya mismong kapatid na nakakapag-abot din naman ng pera sa kanya?

Ang kapatid na sinusungitan ng babaeng ito ay mas matanda sa kanya. Uugud-ugod na sa katandaan ay hindi pa rin niya natututuhan ang ugaling paggalang sa nakatatandang kapatid. Ang hula ng iba, naliliitan ito sa bigay ng kapatid o naiinggit dahil mas maganda ang naging buhay  ng kapatid kaysa kanya. Dati kasi mas angat ang buhay ng babae.

Ang babaeng ito ay maihahalintulad sa bangka na hindi makausad kahit sumagwan pa nang sumagawan dahil nakatali pala sa puno. Ang babae ay nakatali pa rin sa kanyang negatibong kaisipan at pag-uugali kaya kahit anong sipag sa pagsisimba at pagbibigay ng tithing, hayun at naghihirap pa rin.

               

vuukle comment

ANG BANGKANG NAKATALI PALA SA PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with