^

PM Sports

2015 champion pepedal sa Le Tour

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Magbabalik si 2015 champion Thomas Lebas ng France para sa pang-walong edisyon ng Le Tour de Filipinas na bibitawan sa susunod na buwan.

Si Lebas ay kakampanya para sa Kinan Cycling Team ng Japan, ayon kay Donna Lina, ang presidente ng Le Tour organizer na UBE Media Inc.

Pakakawalan ang 2017 Le Tour De Filipi-nas sa Legazpi City at magtatapos sa Lucena City.

Kabuuang 75 siklista mula sa 15 koponan na binubuo ng 13 foreign continental teams at da-lawang local squads ang sasabak sa karera.

“The route is more technical this time because of the gradual upward gradient from Sorsogon to Lucena City,” sabi ni Lina

Ang Stage One (164.5kms) ng Le Tour, muling inihahandog ng AIR21 katuwang ang UBE Media Inc., ay bibitawan sa Pebrero 18 sa Legazpi City hanggang Sorsogon City.

Ang Stage Two (177.35kms) sa Pebrero 19 ay bibiyahe sa Sorsogon papuntang Naga City, habang ang Stage Three (177.35kms) sa Pebrero 20 ay mula sa Naga City hanggang Daet, Camarines Norte.

Sa Pebrero 21 itinakda ang Stage Four (207.35kms) na dadaan sa “Tatlong Eme” sa Atimonan.

Ang mga foreign teams na kalahok ay ang Oliver’s Real Food Ra-cing (Australia), Keyi Look Sport (China), Attaque Team Gusto (Chinese Taipei), Kinan Cycling, Team Ukyo at Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Cartucho.Es Pro Cycling (Kuwait), CCN Cycling Team (Laos), Terenganu Cycling (Malaysia), LX Pro Cycling at Korail Cycling Team (South Korea), Nice Cycling (Switzerland) at ang Uzbekistan National Team.

Ang 7 Eleven Sava Road Bike Philippines continental team at ang PhilCycling National Team ang kakatawan sa bansa.

vuukle comment

THOMAS LEBAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with