Rosario idinagdag sa Gilas pool
MANILA, Philippines - Kagaya ng naunang sinabi ni Gilas Pilipinas 5.0 coach Chot Reyes, may mga players pa silang maaaring idagdag sa 24-man training pool.
Kahapon ay pinayagan ng TNT Katropa si 6-foot-7 forward Troy Rosario na sumama sa trai-ning pool ng Gilas.
Nauna nang nagkasundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Asso-ciation na magpahiram kay Reyes ang 12 ball clubs ng tig-isang pro player.
Bukod kay Rosario, ang naunang kinuha ni Re-yes para sa Gilas pool ay si point guard Jayson Castro.
Ang 25-anyos na si Rosario ay miyembro ng Gilas Cadets na naghari sa nakaraang Southeast Asian Games at SEABA championship.
- Latest