^

PSN Showbiz

Mga susubok sa showbiz na kandidata ng Miss U, binabantayan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inaabangan ng fans kung sino sa mga kandidata ng 65th Miss Universe ang magpapaiwan sa Pilipinas at susubukan ang kapalaran nila sa showbiz.

Ang Folk Arts Theater ang venue ng 23rd Miss Universe noong 1974.

Nanalo si Amparo Muñoz ng Spain na rest in peace na simula pa noong February 2011 at mga runner-up niya sina Miss Wales Helen Morgan (1st), Miss Finland Johanna Raunio (2nd), Miss Colombia Ella Cecilia Escandon (3rd), at 4th runner-up si Miss Aruba Maureen Ava Viera.

Nang matapos ang Miss Universe 1974, bumalik sa Pilipinas at nagkaroon ng showbiz career sina Amparo, Johanna, at Maureen.

Gumanap na sirena si Johanna sa fantasy co­medy movie na pinagbidahan nila ni Chiquito, ang Lorelie na isang hit movie noong 1975. Twenty one years old si Johanna nang mag-artista ito sa Pilipinas. Sixty two years old na siya ngayon at may showbiz career sa Finland.

Rono ang pronunciation sa family name ni Johanna pero hindi niya kamag-anak ang direktor na si Chito Roño dahil magkaiba ang spelling ng kanilang mga apelyido.

Gumawa ng mga pelikula sa Pilipinas si Miss Aruba Maureen Ava Viera. Siya ang bida sa Miss Aruba Went to Town at leading lady siya ni Dante Rivero sa Pagitan ng Dalawang Langit na kinunan ang mga eksena sa isang palayan sa Sta. Cruz, Laguna.

Matagal na namalagi sa Pilipinas si Maureen dahil nagkaroon siya ng relasyon sa Pinoy businessman na si Phillip Ysmael. Wala nang balita tungkol kay Maureen buhat nang magbabu siya sa Pilipinas dahil naghiwalay sila ni Phillip.

Dayanara at Michelle Van hindi malilimutan ANG ‘Pinas

Sina Miss Universe Dayanara Torres at Miss Australia Michelle Van Eimeren ang mga beauty queen na nagpunta sa Pilipinas dahil dito ginanap ang Miss Universe 1994.

Gaya ni Amparo, bumalik sa Pilipinas si Dayanara dahil gumawa ito ng mga pelikula at binigyan ng mga programa sa TV.

Luz Valdez si Michelle sa beauty pageant na sinalihan pero winner naman siya sa puso ni Ogie Alcasid. Gumawa si Michelle ng mga pelikula sa Octoarts Films at humantong sa kasalan ang relasyon nila ni Ogie pero naghiwalay rin sila. Ngayon, best of friends sina Michelle at Ogie na pareho nang maligaya sa piling ng kanilang mga partner.

Nag-try din si Viveka Babajee ng Mauritius na mag-artista sa Pilipinas pero hindi natuloy. Nakalimutan na si Viveka ng mga Pilipino hanggang pumutok ang balita na nagpakamatay siya noong June 2010 dahil sa sobrang depression. Natagpuan ang lifeless body ni Viveka na nakabitin mula sa ceiling fan ng apartment niya sa Mumbai, India.

Mga pambato ng Colombia, Brazil, Great Britain, Thailand, at Netherlands may chance magpaiwan

Mga stand out sa 65th Miss Universe sina Miss Colombia Andrea Tovar, Miss Brazil Raissa Santana, Miss Great Britain Jaime Lee Faulkner, Miss Thailand Chalita Suansane, at Miss Netherlands Zoey Ivory.

May mga humuhula na isa sa kanila ang babalik sa Pilipinas at susubukan na magkaroon ng showbiz career sa bansa natin pero mangyayari lamang ito kung may offer sila na matatanggap.

Ang mga indie movie ang namama­yagpag ngayon. Ewan ko lang kung may mga indie movie producer na may interes na isali sa mga project nila ang mga Miss Universe contestant dahil sure na magastos ito. Baka mamroblema lang sila sa titirhan ng mga kandidata na siguradong in dollars ang mataas na talent fee na sisingilin.

vuukle comment

AMPARO MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with