^

PSN Palaro

Lady Stags hahakbang sa pagwalis sa Elims

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lalapit ang San Sebastian College sa inaasam na sweep sa pakikipagtipan nito sa Lyceum of the Philippines University ngayong araw sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Lady Stags sa panalo laban sa Perpe­tual Help Lady Altas, 25-22, 25-13, 25-13, noong Enero 11 upang manatiling malinis ang kanilang rekord tangan ang 7-0 baraha.

At kung mananaig ang San Sebastian sa Lyceum sa kanilang paghaharap sa alas-12:30 ng tanghali ay kakailanganin na lamang nito ng isang panalo upang pormal na mawalis ang eli­minasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong silya sa finals kalakip ang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Matapos ang Lyceum ay ha­harapin ng San Se­bas­tian ang nagdedepensang St. Benilde sa Miyer­kules.

Natalo naman ang Lady Pi­rates sa ka­may ng Per­pe­tual Help, 21-25, 27-29, 23-25, noong Enero 13 at sa Arellano University, 23-25, 23-25, 20-25, noong Hu­webes.

Sa juniors, target ng Lyceum, may 6-0 baraha, na makumpleto ang sweep at ang awtomatikong tiket sa finals sa pagsagupa sa San Sebastian sa alas-3:30 ng hapon.

Sa men’s division, mag­haharap ang Emilio Aguinaldo College at Letran sa alas-9:30 ng umaga, habang magtutuos ang San Se­bastian at Lyceum sa alas-2.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with