^

PSN Palaro

So ayaw isuko ang liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi pa rin matinag si Grand Master Wesley So sa liderato tangan ang li­mang puntos matapos ang seventh round ng 2017 Tata Steel Masters Chess Tournament na ginaganap sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Muling nagtala ng draw si So laban naman kay GM Pavel Eljanov ng Ukraine upang manatiling nakakapit sa unahan ng standings.

Nasa ikalawa pa rin si Eljanov kasama sina de­fending champion GM Mag­nus Carlsen ng Norway at GM Wei Yi ng China hawak ang magkakatulad na 4.5 puntos.

Nakihati rin sa puntos si Carlsen kontra kay GM Anish Giri ng Netherlands habang umiskor ng importanteng panalo si Wei laban kay GM Loek Van Wely ng Netherlands sa kani-ka­nilang seventh-round games.

Magkasalo sa ika-lima sina Giri at GM Sergey Karjakin ng Russia bitbit ang tig-apat na puntos, habang ika-pito sina GM Baskaran Adhiban ng India, GM Levon Aronian ng Armenia, GM Pentala Harikrishna ng India at GM Dmitry Andreikin ng Russia na may 3.5 puntos bawat isa.

Ika-11 si GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland na may tatlong puntos kasu­nod sina GM sina Ian Ne­pomniatchtchi ng Russia sa ika-12 (2.5 points).

vuukle comment

GRAND MASTER WESLEY SO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with