^

Pang Movies

Eddie Garcia naaksidente habang papasakay!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Dapat pala ay nasa cast ng Across the Crescent Moon, na malapit nang i-showing si Joel Torre. He would have wanted to play daw ang isang role ng Muslim na ama ni Abbas na ginampanan ni Matteo Guidicelli.

Ang magaling din at beteranong aktor na si Christopher de Leon ang gumanap ng nabanggit na role. Ang role raw naman bilang ama ni Alex Godinez, na gumanap na asawa ni Matteo, was offered to him.

Sa huli ay naibigay ang nasabing role kay Gabby Concepcion.

Nakausap namin si Joel sa huling gabi ng lamay for the late Donna Villa sa Cosmopolitan Memorial Chapel at binanggit namin sa kanya na nagandahan kami sa Across The Crescent Moon, nang napanood namin ito.

Ang dami palang ginawang movie ni Joel for Donna and her husband, Direk Carlo J. Caparas. Mahigit na raw ito sa isang dosena, saad pa niya. And if there’s one thing daw na ite-treasure niya, lalo’t about Donna, ito ay ang kabaitan nito.

Kay Joel Torre rin namin nalaman na hindi sa kanyang hip bone nagsa-suffer si Eddie Garcia, nang ito raw ay maaksidente sa isang Christmas party, organized by Dreamscape Entertainment television head, Deo Edrinal, sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Ang (arm?) nito, na hindi na na-specify ni Joel kung left or right ang na-impaired.

He should know, he said, dahil saksi siya sa nabanggit na aksidente.

Pauwi na raw sila ni Eddie at inaalalayan sana niya itong sumampa sa kanyang sasakyan, nang humulagpos ito sa kanyang pagkakahawak.

Kaya, nabuwal ito. Pero, nakatindig muli. Iyon nga lang ay nabuwal muli.

Dito na raw, marahil naapektuhan ang kanyang braso.

Magkasama pareho sina Joel at Eddie sa top series na FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan talagang nag-shine sila sa kani-kanilang role.

Gumaganap bilang journalist si Joel. Isa namang head ng drug syndicate ang role ni Eddie. Pinagbibidahan ni Coco Martin ang said series.

Angelica hindi nakalimot kay Donna

Na-touch kami Salve A., na malamang Angelica Panganiban took time para mag-pay homage, kumbaga, for the last time kay Donna Villa, na siyang unang nagbigay sa kanya ng break bilang child star.

Eight years old lang si Angelica, nang mapili siya ng mag-asawa para gumanap na anak ni Liezl Martinez sa The Antipolo Massacre.

Sinundan ito ng The Lipa Massacre, kung saan naman ang gumanap na mother ni Angelica ay si now Lipa Representative Vilma Santos-Recto.

In both films, Angelica won a best child actress trophy from the FAMAS.

When Angelica turned 18  a few years back and isa nang itinuturing  na in demand talent ng ABS-CBN,  naalala niyang imbitahan ang Caparas couple.

May your tribe increase in local showbiz, Angelica. Hindi siya nakakalimot sa mga taong pinagkakautangan niya ng loob.

Happy birthday…

Belated happy birthday to Ian F.,  good friend natin both Salve A., who turned a year older kahapon, January 21 .

Bukas naman ay birthday ni Shirley Pizarro, another good friend natin Salve A.

(Maligayang kaarawan Ian and Shirley. Lav yah both. – SVA)

vuukle comment

JOEL TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with