^

Pang Movies

Zanjoe, atat na atat magkaroon ng bagong girlfriend

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matapos ang break-up with Bea Alonzo more than a year ago, looking forward na si Zanjoe Marudo sa panibagong relasyon. In fact, wish niya na sana raw ay dumating na ang girl na magpapatibok muli ng kanyang puso ngayong 2017.

“Sana, sana. Sana, eto, kakapasok lang ng 2017,” he said.

Sa sobrang excitement nga niya na magkaroon ng bagong GF ay bumili raw siya ng dalawang tickets para sa concert ng Coldplay na gaganapin sa April, this year kahit wala pa siyang pagbibigyan nung isa.

“Hindi ko alam kung para kanino ‘yung isa. Sa April pa ang concert, so, ini-imagine ko na baka naman pagdating ng April, meron na akong kasama,” nakangiti niyang sabi.

So, kung sinuman ang makikita naming kasama niya sa Coldplay concert, “siya” na ‘yun?

“Hindi naman,” natatawa niyang sabi. “Malay mo, kung wala talaga akong maging girlfriend, eh kung lalaki ‘yung kasama ko.”

Basta aniya, wala pa raw may-ari ng isang ticket hanggang ngayon.

Nahihirapan ba siyang makakuha ng babaeng makakasama at his stature now?

“Hindi, hindi naman ako nahihirapan kasi alam ko naman kung ano ang gusto ko, eh. Alam ko na kung sino ‘yung gusto ko. Kailangan, ‘yung koneksyon namin, nandu’n, ‘yung magic, nandu’n, mahirap ipaliwanag, eh,” he said.

Say pa niya, he’s not even dating now pero hindi naman daw siya malungkot ngayon.

“Nae-excite ako sa idea na baka mamaya, biglang dumating na, di ba? Na makilala ko na.”

Obvious namang naka-move-on na si Z (palayaw ni Zanjoe) mula sa break-up nila ni Bea kaya natanong sa kanya kung ano ang reaksyon niya sa balitang nagkakamabutihan na (ulit) ang aktres at si Gerald Anderson.

“Nakikita ko naman si Bea na happy siya ngayon, so, ayun naman ‘yung wish namin sa isa’t isa. Okay kaming dalawa. Sobra kaming wala kaming masamang tinapay at ramdam ko rin na ganu’n din siya sa akin. Na  kung may magandang mangyayari sa buhay ko, sa career ko, I’m sure matutuwa siya and ganu’n din ako sa kanya.

“Sana, maging masaya siya palagi,” pahayag ni Zanjoe.

Samantala, sa My Dear Heart, gagampanan na naman ni Z ang role na isang ama na makailang ulit na niyang nagampanan at mahusay naman niyang nagagawa considering na wala pa siyang anak.

Ayon kay Z, walang kaproble-problema sa kanya na ma-typecast siya sa father role.

Kasama ni Z bilang leading lady sa My Dear Heart si Bela Padilla na first time niyang nakatrabaho. Magsisimula na ngayong Lunes, Jan. 23 ang nasabing serye sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with