^

PM Sports

Meralco mayroong pag-asa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaagad sinunggaban ng nagdedepensang San Miguel ang pagkakataon.

Dumiretso ang Beermen sa kanilang pang-walong sunod na ratsada matapos pabagsakin ang Globalport Batang Pier, 106-100,  para angkinin ang No. 1 berth sa eight-team quarterfinal round ng 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Nagbida si one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos sa huling minuto ng fourth quarter kung saan niya inilayo ang San Miguel sa 102-95 sa natitirang 55.7 segundo para pigilin ang dalawang sunod na panalo ng Globalport.

Tumapos si Santos na may 31 points at 12 rebounds.

Matapos ang drive ni Terrence Romeo para sa 97-102 agwat ng Batang Pier ay kumonekta naman si Santos ng dalawang free throws sa huling 8.8 segundo para selyuhan ang panalo ng Beermen.

Ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, habang magtutuos naman ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5 sa dalawang best-of-five quarterfinals series.

Samantala, mag-uunahan naman ang Barangay Ginebra at Phoenix sa pag-upo sa silya sa quarterfinals sa banggaan nila ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang paghaharap ng Alaska at Mahindra sa alas-4:30 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with