^

Bansa

Pondo sa condom ibili na lang ng gamot

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na sayangin ang pera ng gobyerno para ipambili ng condom na ipapamahagi sa mga estud­yante, hinikayat ng isang kongresista ang Department of Health (DOH) na ibili na lang ng gamot para sa mga may sakit ang pondo para rito.

Sinabi ni House Minority leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, na ang pera para sa condom ay dapat ibili ng mga gamot sa tuberculosis, diabetes, hypertension at iba pa na umano’y higit na kailangan ng mga mahihirap na kababayan.

Panawagan ni Atienza na isang pro-life advocate kay Health Secretary Ubial na sa halip na mamigay ng condom sa mga estudyante, dapat hikayatin niya ang mga magulang na siyang magbigay ng edukasyon sa kanilang mga anak tungkol sa sex at hindi ito dapat pinapakialaman ng DOH.

Sa halip din umanong pamamahagi ng condom ay dapat good manners and right conduct at character building ang dapat ituro ni Ubial upang maging responsable ang mga kabataan.

Hirit pa ng kongresista, na hindi dapat pinapakialaman ng gobyerno ang plano ng Diyos na taliwas sa kanilang paniniwala, dahil ang paglaki umano ng populasyon ay greatest asset ng bansa.

Sa halip na pigilan ito ng gobyerno ay dapat magbigay na lang sila ng trabaho at mapagkakakitaan ng mga Pilipino.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with