^

Metro

Magpinsang paslit, natusta sa sunog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang magpinsan na paslit at sugatan naman ang isa pang anim na taong gulang na batang lalaki matapos ma-trap ang mga ito sa nasusunog nilang bahay, kahapon ng hapon sa Makati City.

Sa unang palapag na na­tagpuan na magkayakap ang mga sunog na labi ng magpinsan na may edad na 6 at 8 na parehong lalaki.(hindi na binanggit ang mga pangalan).

Habang agad naman isi­nugod sa Ospital ng Makati ang biktimang si Mark Kevin Agnote, 6, nang malapnos ang kanyang mukha at katawan.

Ayon sa report ni Makati City Fire Marshal Supt. Rode­rick Aguto, alas-4:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa unang pala-pag ng bahay ng isang nag-ngangalang Rosalie Agnote sa panulukan ng Del Pilar at Malvar Sts., Brgy Rizal ng nasabing lungsod.

Nabatid kay Aguto, ka­sa­lukuyan ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang bahay na may tatlong palapag ng makarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente sa nasabing lugar.

Mabilis ang paglaki ng apoy at agad itinaas sa ika-lawang alarma.

Dahil sa mabilis ang pag­responde ng mga kagawad ng pamatay sunog ay agad naman naapula ang apoy.

Dakong alas-5:08 ng ha­pon ng ideklarang fire-out ang nasabing sunog.

Matapos magsagawa ng mapping operation ang mga bumbero ay natagpuan ang mag-pinsan sa unang palapag ng kanilang bahay na magkayakap pa.

vuukle comment

MARK KEVIN AGNOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with