^

PSN Opinyon

Breakdown of law ang order

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IBIG kong maniwala na marami pa ring alagad ng batas ang kakampi ng taumbayan, at nagpapairal ng batas at katarungan.

Ngunit naniniwala rin ako na marami rin, at lalung dumami pa ang mga umaabuso sa kapangyarihan magmula nang sabihin ni Presidente Duterte na maninin­digan siya at idedepensa ang mga tauhan ng Philippine National Police na “tumutupad sa tungkulin” kahit sa mata ng taumbayan ay saliwa o wala sa hulog ang ginagawang operasyon.

Nakakakilabot ang napabalitang sa loob mismo ng headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame pinatay ang isang Korean national na biktima ng kidnapping, na pulis mismo ang may kagagawan. Naganap ito nang hindi umano nalalaman ng PNP Chief na si Director General Ronald dela Rosa. Hiyang-hiya si dela Rosa at nanggagalaiti sa galit sa pagharap sa mga newsman sa isang press conference. Nakakatakot na tuloy tumira sa sarili nating bansa kung mismong ang mga alagad ng batas ay hindi na mapagkakatiwalaan para tayo protektahan.

Marami nang mga reklamo na sa isinasagawang Oplan Tokhang, mayroong mga bahay na sinasalakay kahit ang mga naninirahan doon ay walang kinalaman sa droga. Pinadadapa ng mga armadong tauhan na hindi malaman kung pulis o mga criminal. Pero ang ginagamit nilang rason ng pagsalakay ay “tokhang.” Hindi kaila sa taumbayan na marami na rin ang mga napapatay dahil nadamay lang sa raid. Collateral damage daw.

Ang mga nangyayari ay malinaw na breakdown of law and order na kung magtutuluy-tuloy ay posibleng maging daan sa deklarasyon ng martial law. Si Duterte na ang mismong nagsalita. Kapag na­nga­nganib na talaga ang mga taumbayan ay magdedeklara siya ng martial law. Ano ang mga nangyaya­ring ito, isa kayang scenario para maulit ang nangyari ilang dekada na ang nakakaraan? Manalangin tayong­ huwag magtagumpay ito.

vuukle comment

TUMUTUPAD SA TUNGKULIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with