^

Probinsiya

Top 2 drug personality, dedo sa pulis

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Isang kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga at kabilang sa talaan ng pulisya bilang top 2 drug personality ang napatay ng mga awtoridad makaraang lumaban sa mga arresting officer sa Brgy. Salvacion, Daraga, Albay kahapon ng madaling araw. Ang suspek ay si Jonathan Buban ay agad na binawian nang buhay sanhi ng tama ng bala sa kanyang katawan dakong alas 4:30 ng madaling araw sa naturang lugar. Samantala, arestado ang ranked no. 3 municipal top priority target at isang drug surrenderee sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy 1, Poblacion, Malilipot, Albay kamakalawa ng gabi. Nakuha sa suspek na si Sunny “Ador” dela Torre ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at marked money. Naaresto rin sa buy-bust operation ang kapangalan ng aktor na si Randy Santiago alyas Boboy Watog sa San Nicolas Elementary School sa Daraga dakong alas-3:40 ng hapon ng Huwebes. Apat na plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska kay Santiago.

vuukle comment

2 DRUG PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with