^

PSN Showbiz

Tatlong show na offer inayawan, baguhang aktor sikat na ang tingin sa sarili!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tatlong sunud-sunod na shows ang mapapa­lampas ng aktor na ito kung magdedesisyon siya at ang kanyang managers na hindi tanggapin ang offer ng isang network. Inilatag ng network sa aktor at managers nito ang tatlong shows, pero parang kulang pa ito sa kampo ng aktor dahil may mga demand pa sila na hindi maibibigay ng network.

Ayaw daw ng kampo ng aktor na maging second lead lang ito sa isang show na in-offer   at humingi sila ng show na bida ang aktor. Hindi ito maibibigay ng network dahil bukod sa baguhan, wala pang patunay na kaya niyang magdala ng sariling show.

Ang latest, nagdesisyon ang network na ‘wag nang i-pursue ang offer nila sa aktor. Kaya malaki ang posibilidad na ang offer ng kabilang network ang tanggapin nito at ng kanyang managers. Ang sabi ng mga concern sa career ng aktor, sana maisip ng kampo nito na oo nga’t magaling ang talent nila at kilala, pero hindi pa niya kakayaning magdala ng sariling show.

Piolo at Iza Secrets ang pagtatambalan!

May working title na ang pelikulang muling pagsasamahan nina Piolo Pascual at Iza Calzado at ito’y The Secrets That We Keep. To be directed by Lawrence Fajardo at produced ang nabanggit na pelikula.

To be released this year daw ang pelikula nina Piolo at Iza. Ibig sa­bihin, mag-i-schedule na ng shooting ang The Secrets That We Keep. 

Rich Asuncion tinuturuang maging palaban ng dyowa

Na-share ni Rich Asuncion  sa Instagram (IG) ang naranasang pambu-bully sa kanya na may kinalaman sa pagsali nito sa Bb. Pilipinas at sa gagawing Miss Universe Grand Coronation sa bansa. “I never thought I’d get bullied in my entire life. About a month ago. I’ve encountered a bunch of coward gay bullies in Mcdo. As soon as I sat on our table, these bullies who were seated right next to us, started murmu­ring to each other and laughing. So I listened closely and realized they were talking about me and my poor performance during Bb. Pilipinas (particularly my answer to the Q&A). I froze and literally didn’t know what to do. I know I could’ve talked to them but I just didn’t know what to say. I felt so helpless, I just started crying.

“When my boyfriend finally fi­nished ordering and arrived at the table, the bullies fled in a second. So pathetic! Ben got so curious about it and told me he wants to watch the pageant but I also have to watch it with him. At first I was hesitant because I’m so embarrassed by it. He then held my hand and told me this is the only way to get over it. And so I did and now I’M TOTALLY OVER IT. Thanks to my @benjmudie. Thank you baby for pushing me to be stronger as a person.

“To my bullies, you can eat s—t! I am not perfect and so are you! I’m sure you are just jealous because you can never ever join Binibini. I am sharing this story because I want you all to realize, that you are stronger than you think. You shouldn’t let anyone put you down.”

Ang ganda ng post ng BF ni Rich patungkol sa kanya at very proud ito sa achievements niya. “Proud of you pangarap ko,” sabi nito sa ending ng post. Isa sa mga nag-react at nagpalakas ng loob ni Rich ay si Sunshine Dizon na kasama niya sa Ika-6 Na Utos. 

Benjamin at Julie Anne tuloy ang landian sa social media!

Hindi itinitigil nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose ang tila ligawan sa social media kahit may bashers sila at sinasabing pinalalabas lang nilang may relasyon sila bilang promo sa Afternoon Prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na magsisimula na ang airing sa January 30.

Ayaw ng dalawa na sirain ng bashers ang masaya nilang relasyon, kaya tuluy-tuloy lang ang pagtu-tweet ni Benjamin ng quotations about love at busy din ang bashers sa pagre-react sa bawat tweet ng dalawa.

Samantala, kabilang si Benjamin sa tumulong para maging successful ang staging ng Grand Coronation ng Miss Universe sa bansa. Nag-host siya kasama ang iba pang talents ni Jonas Gaffud sa special events sa Cebu, kaya nagkaroon ng chance na malapitan at makapagpa-picture sa mga kandidata.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with