^

PSN Showbiz

Isabelle inuudyukang sumali sa Bb. Pilipinas kahit misis na!, Angel at John Lloyd isasahog sa serye ng KatHniel!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Beauty queen na nanalo sa beauty pageant ng isang barrio fiesta ang reaksyon ni Javi Martinez Pardo nang mag-propose ng engagement ang kanyang boyfriend, ang television host at eventologist na si Tim Yap. Si Tim ang lalaki sa relasyon nila ni Pardo dahil siya ang lumuhod at nag-alok ng kasal.

SCENE: Dahil sa impersonation ni Isabelle Daza sa kanyang nanay na si Gloria Diaz nang manalo ito na Miss Universe noong 1969, marami ang nagsabi na dapat na sumali siya sa Bb. Pilipinas dahil makukuha niya ang Miss Universe Philippines title. Wala sa katinuan ang mga nag-uudyok kay Isabelle dahil may asawa na ito kaya hindi na siya maaaring sumali sa Bb. Pilipinas.

SCENE: Tatapusin na ng ABS-CBN ang kanilang afternoon soap na Doble Kara na nagsimula noong August  24, 2015. Mapapanood ang drama series ni Julia Montes hanggang sa February 10, 2017.

SEEN: Ang balita na makakasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa La Luna Sangre, ang upcoming fantaserye ng ABS-CBN.

SEEN: Magsasanib puwersa sina Dominic Zapata at Don Michael Perez sa pamamahala sa Mulawin versus Ravena, ang telefantasya na tatampukan nina Dennis Trillo at Regine Velasquez. Si Don Michael ang creator ng Mulawin noong 2004 at isa na siya ngayon sa mga direktor ng Mulawin versus Ravena.

SCENE: Lumikha ng trapik kahapon sa Times St. at sa paligid nito ang mga magsasaka na sumugod sa bahay ni former President Noynoy Aquino. Humihingi pa rin ng katarungan ang mga magsasaka para sa mga kasamahan nila na namatay sa Mendiola Massacre noong January 22, 1987.

vuukle comment

JAVI MARTINEZ PARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with