^

Para Malibang

House of Death (153)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

MATATAG na matatag si Father Sebastian o Basti. Duguan, hindi makatayo, kaya lang gumapang pero nagagawa pa ring magdasal nang malakas at taimtim.

Sa tingin, hindi makalapit-lapit ang mga maiitim na kaluluwa. Nakapaikot sila sa pari pero hindi na makahakbang para malapitan talaga ito.

“Our Father Who is in heaven Holy is Your name, Your kingdom come, your will be done ... on earth and in heaven.”

Gigil na gigil na gusto pa ring lumapit para manakal ng mga maiitim na kaluluwa pero parang may invisible na harang papunta sa pari.

SA kulungan, kuba pa rin si Candida. Pero naniniwala siya sa sinabi ng kasamahang may third eye na nakatakda ang mas malaking kapahamakan sa kanya.

Kapag hindi nagising si Anna.

Kaya naiiyak na nagmamakaawa si Candida. “Gisingin n’yo siya, utang na loob! Gisingin n’yo siya! Ayokong may mangyayaring masama sa akin! Baka may marunong ng mouth to mouth na ano sa inyo diyan ... gawin n’yo na kay Anna! Magi-guilty din naman kayo kapag  may nangya­ring masama sa akin!”

Naawa kay Candida ang kasamahang may third eye. Kaya sinubukan nitong makiusap kay Benilda.

Kahit takot dahil nga multo ito. “Ate ... Miss ... Ma’m ... maawa na kayo sa kasama namin. Alam naman naming salbahe ‘yan, e. Pero tao pa rin ‘yan na kailangan din naman nating intindihin.”

“Bakit, inunawa ba niya si Anna? Inalam ba muna niya kung nababaliw ba si Anna o talagang nakakakita ng multo ... bago niya hinataw ng napakalakas? Kaya bakit tayo maaawa sa kanya?”

“Ganoon po talaga. Ang taong mabuti ay maru­nong maawa kahit sa kaaway o kahit sa masamang tao. Kung may mabu­ting tao, may mabuti rin naman sigurong kaluluwa. At kayo tiyak ‘yon.”

“Wala sa aking mga kamay ang paggising ni Anna. Dadalhin siya sa ospital, manalig na lang kayo na doon siya matatauhan.”

“Eh, kayo po ... hindi kayo aalis diyan?” Ang tinukoy ng kasamahan ni Candida ay ang pagpapasan ni Benilda kay Candida.

“Ayoko pa. Maganda rin namang magturo ng leksiyon.”

“Pero nabali na ho ang kanyang likod baka hindi na talaga siya makatayo ng tuwid.”

Napaisip naman ang multo. Pero hindi pa rin umaalis sa likod ng preso. - ITUTULOY

vuukle comment

FATHER SEBASTIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with