^

Probinsiya

4-anyos nene nakulong sa kotse, patay!

Joy Cantos - Associated Press

MANILA, Philippines - Laking pagsisisi ng isang ina na security guard makaraang makitang patay ang 4-anyos na anak matapos niyang isama sa trabaho at hindi namalayang nakulong pala ang biktima sa isang kotse na nakahimpil sa isang paaralan sa Tugbok District, Davao City kamakalawa.

 Kinilala ang nasawi na si Tricia Mae Silay na nagawa pang maitakbo sa Davao Adventist Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng “cerebral hypoxia”, ayon sa attending physician na si Dr. Abdulatif Mohamad Alisar.

 Sa ulat ni PO2 Jim Guelas ng  Tugbok District Police Station, nakita na lamang na nakahandusay ang bata nitong Martes ng hapon sa likurang upuan ng kotse na nakaparada sa parking area ng eskuwelahan.

Nauna rito, isinama ng kanyang ina sa eskuwelahang pinagtratrabahuhan nito bilang guwardya ang batang anak dahil wala siyang mapag-iwanan sa kanilang bahay. Habang naglalaro, nakita ng bata ang nakaparadang kulay itim na kotse na naiwang nakabukas ang pinto at nakatuwaan nitong pasukin hanggang sa aksidenteng ma-locked sa loob.

vuukle comment

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with