^

Probinsiya

Mag-iina, natusta sa sunog

Mer Layson - Associated Press

MANILA, Philippines - Patay ang mag-iina makaraang ma-trap sa nasusunog na bahay na kanilang tinutuluyan sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Maria Theresa Augustine Hermocilla, 23, at dalawa nitong anak na sina Terrence, 5-anyos  at Andrea 4-anyos na pawang residente ng St. Anthony Subd., Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.

Sa ulat ni SFO3 Mario Paredes, ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Rizal, dakong alas-7:35 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa loob ng tinutuluyan ng mga biktima, kung saan nagsisilbi ring caretaker ang kanilang pamilya.

Ayon sa report, natutulog na sa loob ng kuwarto ang mga biktima nang maganap ang sunog na nagmula sa kanilang sala, malapit sa kusina.

Nauna rito, sinasabing naputulan ng kuryente ang tahanan, na nagsisilbing patahian, kung kaya’t nagsindi na lamang ng kandila si Aling Teresita Galpo, ina ni Maria Theresa, at ipinatong ito sa isang mesang plastic. Pagkatapos ay umalis umano si Galpo at nagtungo sa kabilang bahay upang pakainin ang aso ng kanilang amo.

Gayunman, pagbalik ni Galpo ay laking gulat nang makitang malaki na ang apoy na mabilis kumalat dahil maraming tela sa loob nito at na-trap ang mag-iina. Nang maapula ang apoy, natagpuang magkakayakap pa at wala nang buhay ang mga biktima.

vuukle comment

MARIA THERESA AUGUSTINE HERMOCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with