^

PSN Palaro

Lady Altas, Red Spikers asam ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas, Red Spikers asam ang krusyal na panalo
Binigyan ni Perpetual Help Lady Altas setter Necelle Mae Gual (9) si Lourdes Clemente (5) habang nakaamba sina Jowie Verzosa (6) at libero Marjo Medalla (8) sa tagpong ito sa huling laban kontra LPU Lady Pirates kamakailan sa NCAA women’s volleyball.

MANILA, Philippines - Hangad ng San Beda College na maitarak ang importanteng panalo laban sa Mapua Institute of Techno­logy upang mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa Final Four sa NCAA Season 92 women’s volleyball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Red Spikers at Lady Cardinals sa alas-10 ng umaga habang naghahabol din ang University of Perpetual Help System Dalta ng krusyal na panalo sa pakikipagtipan nito sa Jose Rizal  University sa alas-12 ng tanghali.

Nasa ikaapat na puwesto ang San Beda ka­sama ang Lyceum of the Philippines hawak ang parehong 5-3 baraha

Nangunguna ang San Sebastian College na may malinis na 7-0 marka kasunod ang Arellano University na may 7-1 rekord at nagdedepensang College of Saint Benilde na taglay ang 6-2 kartada.

Nasa ikaanim ang Lady Altas (54-3) at ikapito ang Lady Bombers (3-5).

Pormal nang nasungkit ng Lady Stags at Lady Chiefs ang unang dalawang silya sa semis kaya’t maiiwan ang bakbakan sa huling dalawang tiket sa pagitan ng Benilde, San Beda, Lyceum at  Perpetual Help.

Raratsada para sa Red Spikers si Cesca Racraquin na nasa Top 5 sa sco­ring department habang makakatuwang nito sina Nieza Viray, Jiezela Viray at Satrianni Espiritu gayundin si defense specialist Daryl Racraquin.

Ngunit kinakailangan ng San Beda ng mag-ingat dahil ibubuhos ng Mapua ang lahat upang maging maganda ang pagtatapos ng kanilang kampanya sa taong ito. Wala pang panalo ang Lady Cardinals sa walong laro.

Sa kabilang banda, daraan sa matinding pagsubok ang Perpetual Help upang makahirit ng tiket sa Final Four. Matapos ang Lady Bombers, sunod na makakaharap ng Lady Altas ang Lady Chiefs sa Enero 25.

Sa men’s division, mag­haharap ang nagdedepensang Perpetual Help (6-1) at Jose Rizal (1-7) sa ala-1:30 ng hapon habang magtitipan ang San Beda (6-2) at Mapua (5-3) sa alas-9 ng umaga.  

vuukle comment

MAPUA INSTITUTE OF TECHNO­LOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with