^

PSN Opinyon

‘Urung... sulong...sumulong’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ANG KONTRATA sa ibang bansa na nalungkot, nahirapan, umiyak kung minsan pinagmalupitan kapag malapit nang umuwi kakaibang ngiti at pakiramdam meron ang ating mga kababayan na nagtrabaho bilang OFW’s.

“Tapos na ang kontrata ng kapatid ko pero palagi lang siyang pinapaasa ng kanyang amo,” ayon kay Gina.

Ika-12 ng Disyembre 2014 nang makaalis ng bansa ang kapatid ni Gina Tumlos na si Ma. Silena Calago papuntang Dammam.

May nakilala raw itong recruiter sa Bacolod kaya nag-apply ito. Ang ahensyang nagpaalis sa kanya ay ang MMML Recruitment Services Inc.

Nasa Negros daw ang pamilya ni Silena. Nang maipasa niya ang lahat ng hinihinging requirements sa kanya ay nahanapan siya ng employer sa Dammam bilang Household Service Worker (HSW).

“Dahil tapos na ang kontrata niya gusto na sana niyang umuwi pero ayaw ng pauwiin ng kanyang amo. Lagi na lang siyang pinapaasa na ibibili siya ng tiket,” pahayag ni Gina.

Maliban sa pagpapaasang ito ay pinagpapasa-pasahan pa raw si Silena sa mga kamag anak ng kanyang amo.

Minsan ay pinagtatrabaho siya sa mga anak nito. May mga panahon pa na hindi ito nababayaran sa ginagawang trabaho.

Nakakalabas lang din daw ito ng bahay kapag dinadala siya sa kamag-anak ng kanyang employer. Halos buong pamilya ay pinagsisilbihan niya.

“Yung ahensya niyang MMML sa Malate yun matatagpuan. Nung ayaw pauwiin ang kapatid ko tinawagan namin ang recruiter at na­ngako siya sa aming aayusin niya ang problema,” salaysay ni Gina.

Kapag tinatawagan daw nila ngayon ito para makibalita ay pinapatayan na sila ng telepono.

Pati ang ahensya nito sa Malate ay hindi na nila makontak. Pina­patayan pa daw sila.

Nagtungo na ang pamilya sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ngunit ayon dun ay wala raw ang pangalan ng kanyang kapatid.

“Nagtataka naman kami kung bakit wala ang pangalan niya. Dumaan naman siya ng PDOS,” sabi ni Gina.

Ang gusto lang nina Gina ay malaman kung paano makakauwi ng bansa ang kanyang kapatid gayung tapos na naman ang kontratang pinirmahan nito doon.

PARA SA IBANG balita…tungkol sa inilapit sa amin noon ni Lingling Solaiman na problema ng kanyang anak na si Anisa Solaiman na nasa Cairo, Egypt.

Naiparating na namin sa embahada natin sa Cairo kay Ambassador Leslie Baja.

Sa pagbabalik tanaw si Anisa ay orihinal na nagtungo sa Jeddah at napunta sa Cairo, Egypt at dun siya nag-runaway.

Naging problema ang pakikipag-usap kay Anisa nung una dahil hindi siya sumasagot sa kanyang numero at nang makausap naman ay hindi siya sumipot sa araw na napag-usapang pupunta siya sa embahada.

Kalaunan ay nagpakita siya sa embahada para magbigay ng kanyang salaysay kung ano ang nangyari sa kanya.

Ayon sa kanya ay sinasaktan siya ng kanyang employer. Ito raw ang nagdala sa kanya sa Cairo. Maayos siyang nagtatrabaho sa kanyang amo at sumasahod din naman ng maayos.

Pagdating ng Agosto 18, 2015 ay sinaktan siya ng kanyang amo. Pinaso ang kanyang dalawang kamay dahil sa paninira at pag set-up umano ng kanyang kasamahan dun.

Pinagbintangan daw siyang nagnakaw pero wala naman itong katotohanan.

Humingi siya ng tulong sa kanyang pamilya sa Pilipinas at ilang buwan ang nakalipas bago pa napansin ang kanyang reklamo.

Nang may dumating na taga embahada sa bahay ng amo niya ay inakala niyang makakauwi na siya ng bansa ngunit hindi ito nangyari. Hindi niya alam kung ano ang napag-usapan ng kanyang employer at ng kinatawan ng embahada na nagtungo doon.

Ilang buwan ang nakalipas ay nagpasya na siyang mag runaway dahil hindi na niya kaya ang ginagawa ding pananakit ng kanyang kasamahan sa trabaho.

Pansamantala siyang namalagi sa kanyang kamag-anak at naghihintay ng among mabait na pwedeng pagtrabahuan ngunit napansin niyang nahihirapan na siyang huminga.

Nagpasya na siyang magtungo sa embahada upang humingi ng tulong na umuwi na lang siya ng Pilipinas.

Ipinaalam sa amin ito ng embahada ngunit nagsabi raw si Anisa na hindi muna ito uuwi ng bansa at gustong magtrabaho muna doon.

Tumawag naman ang embahada sa pamilya niya sa Pilipinas upang ipaalam ang desisyon ni Anisa ngunit iginigiit ng kanyang kapatid na mapauwi na ito.

Maging kami ay nakipag-ugnayan sa kanyang pamilya at nabanggit namin sa kanyang mga magulang ang nangyari. Wala lamang daw pamasahe si Anisa kaya hindi ito uuwi. Kung may pera lang ito pambili ng tiket ay gusto raw nitong umuwi.

Ilang araw ang nakalipas ay nagsabi si Anisa na gusto na niyang umuwi ng bansa ngunit nagbago na naman ng isip. Ang pinal niyang desisyon ay makauwi na ng bansa.

Ngayon ay inaasikaso ng ng embahada ang kanyang repatriation.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa unang kwento na aming itinampok nakatanggap kami ng ulat na nangako na naman ang amo ni Silena na ibibili siya ng tiket para  makauwi pero nagdadalawang isip sila dahil ipinangako na rin ito sa kanila noon.

Ang gusto ng pamilya ay malaman kung ano nga ba ang katotohanan dito.

Upang makakuha ng impormasyon nakipag-ugnayan kami sa Department of Foreign Affairs (DFA) at maiparating sa ating embahada ang problemang ito ni Silena.

Ang tungkol naman sa problema ni Anisa kapag humingi ka ng tulong sa embahada dapat sigurado ka sa kung ano ang gusto mo para hindi mahirapan ang mga tutulong sa ‘yo. Mabuti na lamang at nakapagdesisyon na si Anisa na uuwi na siya ng bansa.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) 

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari ka­yong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with