^

Bansa

Tito, Aiza ‘war’ na dahil sa condom isyu

SPORTING CHANCE - Malou Escudero - Associated Press

MANILA, Philippines - Binuweltahan kahapon ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang dating child star at kasamahan sa “Eat Bulaga” na si Aiza Seguerra, chair ng National Youth Commission, matapos siyang banatan dahil sa kanyang pagkontra sa plano ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng condom sa mga eskuwelahan.

Sinabi ni Sotto na hindi naman siya na-offend sa ginawang pagbanat sa kanya ni Seguerra na posibleng nakalimutan na umano kung saan siya nangga­ling at mas umiral dito ang pagiging bago sa pulitika.

“Hindi naman (hindi na-offend). Baka nakalimutan na niya (Seguerra) kung saan siya galing si­guro. Mas nanaig sa kanya yong pagka-bagitong pulitiko,” sabi ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na hindi niya alam kung saan kinuha ng grupo ni Seguerra ang kanilang statistics pero ang pagtaas ng HIV ay hindi dahil sa sexual contact ng mga mag-aaral kaya walang dahilan para bigyan ng condom ang mga ito.

“I do not know where they get their stats but the rise in HIV has never been attributed to sexual contact between students. The lead reason up to now is MSM (men having sex with men),” pahayag ni Sotto.

Sabi ni Sotto na mas gugustuhin niyang paniwalaan ang dating kalihim ng Department of Health kaysa sa mga “fledgling politicians”.

Idinagdag ni Sotto na ang HIV virus ay mas maliit kaysa sa pores ng condoms na maari lamang pumigil sa pagbubuntis.

“Besides, for their information, the HIV virus is smaller than pores of condoms which can only prevent pregnancy. Scien­tifically proven. Check the Senate journal on this matter which was brought out by Senator (Panfilo) Lacson. Ask him,” dagdag ni Sotto.

Pinayuhan rin ni Sotto ang mga bumabatikos sa kanya na maglaan ng oras sa pagbabasa at pag-aaral bago magsalita tungkol sa mga seryosong bagay.

Tahasang pinangalanan ni Seguerra si Sotto sa kanyang post sa Facebook.

“Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo na sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populasyon ang nagiging sanhi kaya’t marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi nakaka access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno. Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator,” post ni Seguerra.

“These are facts. Based on science and research. Bilang gobyerno, responsibilidad natin na pangalagaan at protekta­han ang ating constituents. Matagal ng ipinagpaliban ang pagpapatupad ng RH dahil sa “beliefs” ninyo and look where it has brought us. You say “it’s insensitive to dismiss the sentiment of a conservative culture just because they failed to implement effective health programs,” ani pa ni Seguerra sa kanyang post.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with