^

PM Sports

Cavaliers nakabalik sa pamatay na porma

Pang-masa
Cavaliers nakabalik sa pamatay na porma
Hindi nagpapigil si Tristan Thompson ng Ca-valiers kay DeMarcus Cousins ng Kings para sa kanyang basket.

SACRAMENTYO -- Nakuha na rin ni Kyle Korver ang kanyang nawalang shooting touch sa three-point line at tinapos naman ng Cleveland Ca-valiers ang kanilang two-game skid.

Pinatumba ng Cavaliers ang Kings, 120-108, tampok ang 18 points ni Korver sa loob ng 25 minuto.

Matapos magtala ng malamyang 2-for-10 fieldgoal shooting sa mga pagkatalo ng Cleveland sa Utah Jazz at Portland Trail Blazers ay naglista si Korver ng 7-for-10 clip kasama ang 4-of-6 shooting sa three-point line.

Ito ang ika-29 panalo ng Cavaliers sa 39 laro.

Pinamunuan ni Kyrie Irving ang Cleveland sa kanyang 26 points, habang humakot si LeBron James ng 16 points at 15 assists at kumolekta si Kevin Love ng 15 points at 18 rebounds.

Nalasap naman ng Kings, nagmula sa panalo sa Detroit Pistons, ang kanilang ika-23 kabiguan sa 39 laban.

Pinangunahan ni center DeMarcus Cousins ang Sacramento sa kanyang 26 points at 11 rebounds, samantalang may 23 markers si Rudy Gay.

Sa Atlanta, kumamada si guard Isaiah Thomas ng 28 points, ang 13 dito ay kanyang iniskor sa fourth quarter, habang nagposte si reserve forward Kelly Olynyk ng season-high na 26 points para igiya ang Boston Celtics sa 103-101 panalo laban sa Hawks.

Winakasan ng Boston, nagsalpak ng 17 triples, ang seven-game winning streak ng Atlanta.

Kumoleka si center Al Horford, naglaro ng 9 seasons para sa Hawks, ng 10 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Celtics.

Nagdagdag naman si Jae Crowder ng apat na  triples para sa kanyang 18 points.

Pinamunuan nina Millsap at Tim Hardaway Jr. ang Atlanta sa kanilang tig-23 points.

Sa Minnesota, kumabig si center Karl-Anthony Towns ng 29 points at 17 rebounds, habang naglista si guard Ricky Rubio ng 14 points at 14 assists para pamunuan ang Minnesota Timberwolves sa 96-86 panalo laban sa Thunder.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Minneso-ta at diniskaril ang pagpoposte ni Oklahoma City superstar Russell Westbrook ng kanyang ika-19 triple double.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 points at may 11 markers si Brandon Rush para sa Timberwolves.

Tumapos naman si Westbrook na may 21 points, 12 assists at 11 rebounds para sa Thunder, samantalalang nagtala si Enes Kanter ng 21 points at 8 rebounds.

vuukle comment

CAVALIERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with