^

Pang Movies

Yassi mas pinili si Coco kesa sa PBB

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Grabe maka-react ang fans at bashers nina Elisse Joson at McCoy De Leon na kasalukuyang napapanood sa Pinoy Big Brother ng Kapamilya Network.

Panay din ang pokus ng ka­mera kina Elisse at McCoy na laging malagkit ang tingin sa isa’t isa. Kung ice cream lang si Elisse ay tiyak na natunaw na ito sa tingin ni McCoy.

Samantala, high blood naman ang fans ni Yassi Pressman na nagparaya dahil mas priority ng dating housemate ang kanyang mga commitment sa labas ng Bahay ni Kuya. Mas pinili raw nito ang trabaho sa labas kesa sa makipagsapalaran pa kung sino ang tatanghaling big winner ngayong taon. Napapanood ngayon si Yassi bilang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa ibinigay kasi na task ni Kuya, si Yassi ang nanalo laban kay Elisse.

Dissapointed ang ibang fans na wini-wish na magkasama sina Yassi at Tanner Mata sa loob ng PBB. 

Para sa fans ni Tanner ay  hindi naging patas ang laban dahil kahit hindi nanalo si Elisse sa task ni Kuya laban kay Yassi ay pasok pa rin. Kung bakit nga naman lumaban pa si Yassi na hindi rin pala papayag na pumasok muli sa Bahay ni Kuya.

Hirit tuloy ng bashers, ginamit lang ni Yassi ang PBB para sa exposure.

Sana raw ay si Maris Racal na lang ang inilaban kay Elisse tutal ay may hatak at babagay din kay Tanner sa loob ng Bahay ni Kuya. O hindi kaya ay  ibang dating housemates ang inilaban kay Elisse para naging fair.

Pero bongga ang pagbubunyi ng fans ng McLisse sa mga kilig moment ng dalawa.

vuukle comment

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with