^

Pang Movies

Bryan kinakampanya ang diapers!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No problem kay Bryan Termulo na unang nakilala bilang Prince of Teleserye Theme Songs, na siya ang newest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products, Inc. na alam ng lahat na ang kina-cater nila sa mga tao ay baby care products, Sister sanitary napkins, baby diapers, Megasoft tissue and others. 

Sabi nga ni Ms. Aileen Go, hindi naman mag-i-endorse ng isa lamang produkto si Bryan, kundi ang buong Megasoft pro­ducts, sa pamamagitan ng paglilibot nila sa buong bansa, particularly sa mga school na binibisita nila, ang “School is Cool” campaign para ilahad pa rin nila sa mga students ang value ng education among the Filipino youth.

“Siguro po, naging big factor para ako kunin nina Ms. Aileen iyong dahil graduate ako ng college (Communication Arts sa Trinity University of Asia) at iyong marunong din akong kumanta,” sabi ni Bryan. “Ini-enjoy ko rin po naman ang mga school tours namin at nakikilala naman ako ng mga students.  Nakakatuwa pa, kapag nagsimula na akong magsalita, nakikinig sila sa akin.

“Masaya dahil kung saan-saan kami nakararating, iyong mga lugar sa Mindanao na hindi ko in-expect na mapuntahan, napuntahan ko.  Saka masarap maka-bonding ang mga teens.  Ako pa naman, gusto ko talagang muling mag-aral at kumuha ng subjects for high school education.  Kaya looking forward ako sa marami pang school tours na gagawin namin na sinimulan na namin last year na unang pinuntahan namin ang Cotabato City,” mahabang sabi ni Bryan.

Thankful si Bryan sa pagkuha sa kanya ng Megasoft plus masaya siyang he is now co-managed ng BWB Records and Music Productions at ng Asian Artist Agency ni Boy Abunda. Excited na rin siyang muling gumawa ng album.

Mikee sumaya sa picture kasama ang unang lira

Masayang-masaya si Mikee Quintos na gu­ma­ganap na Prinsesa Lira sa telefantasiyang Encantadia, nang personal niyang ma-meet ang unang gumanap na Lira in 2006, si Ultimate Star Jennylyn Mercado. 

Hindi raw siya makapaniwala na makikilala niya ni Jennylyn, through Ruru Madrid na sinamahan siyang lumapit para makapagpa-picture siya. 

Natuwa raw si Jennylyn dahil habang nagpapa-picture siya ay sinabi niyang “pa-picture sa unang Lira ng Encantadia” at natandaan daw siya si Jen at sinabing “ikaw nga si Lira ngayon.” 

Promise ni Mikee sa sarili, lalo niyang pagbubutihin ang pagganap niya sa role niya para hindi siya kahiya-hiya kay Jennylyn.

Jennylyn at Dennis sasaksihan ang Northern Lights

Meanwhile, paalis muli sina Jennylyn Merca­do at Dennis Trillo, pagkabalik nila sa January 25, mula sa kanilang Sikat Ka, Kapuso concert sa Long Beach, California sa January 22. 

Pupunta naman sila sa ilang Scandinavian countries para ma-witness ang Northern Lights or ang Aurora Borealis na lumilitaw lamang during winter season. Gusto muna nilang muling mag-travel bago sila sumabak sa puspusang trabaho.

Nasimulan na ni Jen ang taping ng My Love From The Star with new leading man Gil Cuerva. 

At si Dennis, excited na ring muling gumawa ng telefantasiya tulad ng mga ginawa niya noong bago pa lamang siya sa GMA.  Kasama siya noon sa Mulawin ni Richard Gutierrez. 

Ngayon, gagawin niya ang Mulawin Vs. Ravena. 

vuukle comment

MEGASOFT HYGIENIC PRODUCTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with