^

Pang Movies

Rey Valera binuweltahan sa joke na mataba!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin biro lang naman ang sinabi ng singer-composer na si Rey Valera doon sa isang contestant ng isang singing contest na medyo malusog ang pangangatawan.

Nasabi kasi niyang “walang may gusto sa mga matataba.” Pero iyon ay itunuring na isang insulto ng ilang nakapanood ng nasabing programa, at sina­­bing unbecoming ang kanyang comment, lalo pa nga’t isang babae ang kanyang sinabihan.

Ang pagkakakilala naman namin kay Rey Valera, bagama’t hindi naman namin siya naging isang kaibigan talaga, magalang at mapagpakumbabang tao iyan. Kaya nga naniniwala kami na noong mga oras na iyon na sinabi niya ‘yun ay nagbibiro lang at hindi siguro niya inasahang ganoon ang iisipin ng mga tao.

Iyon namang mga ganoong biruan eh natural na sa showbusiness. Hindi ba si Sharon Cuneta nga mismo ay talagang pinag-uusapan at ginagawang issue ang katabaan?

Mayroon pang insulto talaga na sinabi noon, si Sharon daw ay parang nagko-cosplay doon sa cha­racter na si Baymax. Kung ganoon ang sinabi, kahit na sino naman ay magagalit.

Pero iyong pagkakasabi ni Rey, parang pabiro lang naman. Hindi namin napanood sa actual show, pero noong makita namin ang posted vi­deo ng isang bumabatikos kay Rey, pabiro niyang sinabi iyon. Minsan naman iyon ang problema kung gusto mong medyo magpatawa, lumalabas na may iba palang kahulugan ang nasabi mo.

Pero hindi naman siguro maapaketuhan si Rey, dahil hindi naman masasabing ganoon karami ang kanyang na­ging bashers.

Jak ginawang sex symbol

May nag-email sa amin ng isang reaksiyon. Sabi sa amin, kaya naman daw tumaas ang ratings noong initial episode ng serye ni Barbie Forteza ay dahil nagpakita na naman ng katawan niya si Jak Roberto, at nagpa-sexy rin ang iba pang leading men.

Iyon naman daw ang ginawang selling point ng seryeng iyon.

Ewan nga ba kung papaanong nagsi­mula na parang naging male sex symbol iyang si Jak Roberto. Noon namang araw na nagsisimula pa lang siya ay hindi naman ganyan ang kanyang image. Pero napa­ganda niya ang kanyang katawan at kung naga­­gamit man iyon para siya mapansin ay natural lang naman. Hindi naman si Jak ang gumagawa lamang nang ganyan.

Ang punto na sinasabi namin, minsan ay hindi iyong paglabas ng shirtless, kung di iyong mga eksenang hindi man tuwirang nagpapakita at nagsa-suggest ng sex. Iyon ang hindi maganda. Pero kung naghubad lamang ng kamiseta, ano ang hindi maganda roon?

vuukle comment

REY VALERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with