^

PSN Opinyon

Iyakan blues sa maapektuhan sa BI

THE GAME OF MY LIFE - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUWENTUHAN pa lang mukhang nag-iiyakan na ang mga taga- Bureau of Immigration kaya naman naghahanda na sila sa planong aalisan na sila ng overtime with matching pagsipa sa mga contractual at job order employees nila dahil dumagundong na sa kanila ang ginawang pag-veto ni Boss Digong tungkol sa paggamit ng ‘express lane’ na kinokolekta ng BI para pampasahod sa mga casual at karagdagan pitsa sa mga regular employees dahil sa OT.

Ika nga, masamang panaginip ito para sa maaalis at mawawalan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kasalukuyan ay gumagawa ng apila ang dalawang associations sa BI maging ang ilang employees para iparating sa Malacañang ang mangyayari sa bureau in case na itulak ang plano.

Sabi nga, pag-aralan muna!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung itutuloy ang plano ng Malacañang malamang magkaroon ng hindi magandang epekto ito sa mga international airports, subports, main office at maging sa mga field offices.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay may 900 casual employees ang bureau dahil may 4,000 regular employees sila sa Philippines my Philippines as of today.

‘Tiyak magkakaroon ng malaking problema oras na magkasibakan blues dahil sa ngayon kulang ng 2,000 empleado sa kabuuan ang BI siguradong malaking epekto ito sa operasyon ng bureau partikular sa mga international airports at mga international ports.’ sabi ng kuwagong lasing sa kapangyarihan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, billion of pesos ang nakokolekta ng bureau sa ‘express lane fees’ nila na gamit para sa mga overtime services ng mga regular employees dito at sa mga confidential agents at dehins kinukuha ang pera sa gobierno.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi maiiwasan ang pagtanggal ng OT sa regular na employees tiyak ang mga ito ay papasok na lamang ng 8am at uuwi ng 5pm.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mangyayari aniya ay magkakaroon ng 8 hours three shifting ng mga empleado kaparis ng nangyayari ngayon sa Bureau of Customs.

‘Inaapila pa rin ng mga empleado ito sa Malacañang na sana huwag itulak ang planong ikinukuento natin sa itaas.’ anang kuwagong maharot.

Abangan.

• • • • • •

TESDA umaksyon sa Nina

MAY scholarship pala ang TESDA sa mga naging biktima ng bagyong Nina with matching community based training program at training con production ibibigay para maitayo again ang mga nasirang haybol ng mga binagyong families.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinihimay na nina TESDA Director General, Secretary “Gene” Mamondiong at mga kapanalig nito ang mga places na badly hit by bagyong NINA, lalo na sa mga taga - partikular na ang mga taga - Mindoro, Marinduque, Batangas, Catanduanes, Legaspi, Sorsogon, Albay, Camarines Sur at iba pa sa Southern Tagalog.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga incentives na ibibigay ng TESDA tiyak may magandang matututuhan ang mga naapektuhan.

Abangan.

vuukle comment

IYAKAN BLUES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with