^

Police Metro

Permit sa sidewalk vendors itigil

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hiniling ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal na pamahalaan na itigil na ang pagbibigay ng permit para sa pagtitinda sa mga ito sa sidewalk upang makatulong sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Ito ang natuklasan ng MMDA nang magsagawa ng “clearing operations” ang mga tauhan ng MMDA-Metro Parkway sa ilang kalsada ay dito ay nakikipagmatigasan ang mga vendors na nagsasabing legal ang kanilang pag-okupa sa mga bangketa at kalsada dahil sa inisyu sa kanilang mga permits.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, dapat makipagtulungan ang ibang mga ahensya at sangay ng pamahalaan sa adhikain na mapaluwag ang daloy ng trapiko at hindi na sila dumagdag pa para sa pagsisikip nito.

Sa kabila ng alok ng Office of the Ombudsman na kasuhan ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan lalo na ang pumipirma ng mga permits ay hindi pa  ito gaanong kinukunsidera ni Orbos, ngunit kung kinakailangan na ay kanya umano itong posibleng gawin.

Isinagawa ang babala makaraan ang paglilinis sa mga bangketa at kalsada sa daraanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.-

vuukle comment

PERMIT SA SIDEWALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with