^

Police Metro

Armado ng Uzi submachine gun... menor de edad, todas sa drug bust

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na estudyante ang nasawi sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Bagong Barrio, Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Hideyoshi Kawata, isang Fil-Japanese, residente ng Bayabas Alley, Brgy.154 ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw ay target ng operasyon ng pulisya  ang isang alyas Buboy na kilalang drug pusher sa lugar  na  amain ni Kawata.

Sa gitna ng drug operation ay nakatunog ito kaya’t tumakbo sa loob ng bahay ni Kawata na sinundan ng mga operatiba.

Pero hinarangan umano ang mga pulis ni Kawata na may hawak na isang Uzi submachine gun at sa posibleng panganib sa kanilang buhay ay inunahan na nila ito ng putok.

Dead-on-the-spot ang binatilyo habang nakatakas naman ang target gamit ang escape door sa ikalawang palapag.

Narekober sa crime scene ang isang machine gun, tatlong pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia at ayon sa pulisya na ginagamit umano ang bahay bilang “drug den”.

Itinanggi naman ng ina ni Kawata na live-in partner ng suspek na si Buboy na sangkot sa droga ang kinakasama at ang anak. Sinabi rin niya na walang Uzi na baril ang kanyang anak.

vuukle comment

HIDEYOSHI KAWATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with