^

Pang Movies

Oro pinag-interesan kung kailan natsugi sa mga sinehan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sayang at kung kailan tinanggal na sa mga sinehan ang Oro kahit extended pa hanggang bukas ang showing ng ibang entries sa 42nd Metro Manila Film Festival, saka naman maraming gustong panoorin ito. Na-curious ang mga tao sa controversy ng pagpatay sa isang aso na ikinakaila ng producer at ng director nito. Pero naglalabasan ang mga taong may alam sa totoong nangyari tulad ng dalawa at hindi lamang isa ang namatay during the shoot. 

Nagpost pa si Japo Parcero na kasali sa movie na nag-guest sa News To Go ng GMA News TV kahapon ng picture ng aso na kita raw ang takot sa mga mata bago kunan ang eksena.

Regine excited na sa anak ni Ogie

Masaya at excited si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na tuloy na ang pag-uwi rito sa Pilipinas ng pa­nga­nay na anak ni si Ogie Alcasid na si Leila Alcasid. At hindi lamang magbabakasyon dito si Leila dahil dito siya mag-aaral ng college. Kaya ang post niya sa kanyang Instagram, “I’m excited to have you here sweetheart @leilalcasid.”

Pero may isa pang dahilan para maging happy si Regine sa pagpasok ng 2017, dahil may bago siyang weekend show sa GMA Network, ang Full House Tonight. Wala pa lang siyang details na inilagay sa IG kung ano ang gagawin niya o kung may kasama siya sa show pero mukhang exciting ito sa title pa lang. 

Tuloy pa rin ang Sarap Diva ni Regine na napapanood every Saturday morning, pagkatapos ng Maynila.

Mane nakalamang kina Tina at Sheryl

Kita ang kilig ng tinaguriang Triplets ng Meant To Be na sina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz sa mga harutan sa presscon nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raz. Naalala raw nila ang panahon noon na may kani-kanila rin silang ka-loveteam. Si Manilyn ay kay Keempee de Leon, si Tina ay kay Ramon Christopher at si Sheryl ay si Romnick Sarmenta. Pero wala raw naman silang nakatuluyan sa mga naka-love team nila. Tanging si Mane ang nakaparehang muli si Keempee.

Sina Manilyn at Keempee ang naging mag-asawa sa rom-com series bilang ama nina Barbie at Sef Cadayona. Pero masaya raw silang tatlo na nagkasama-sama sila muli after a long time na nag-solo lamang sila ng ginawang mga project sa GMA-7. Mapapanood na ang Meant To Be simula sa Monday, January 9, after ng Alyas Robin Hood sa primetime block ng GMA-7.                                

Dyosang-dyosa pa rin Kristine hindi raw tinatablan ng wacky pose!

Magkakasundo ang mga babae ng Sotto clan at nagkasama-sama ang mga magsi-sister-in-laws na sina Kristine Hermosa, Danica Sotto-Pingris at ang mommy nila ngayong si Pauleen Luna sa kasal ng bunsong anak ni Bossing Vic Sotto na si Paulina kay Jed Llanes noong January 1. 

Hindi nila itinago ang paghanga sa beauty ni Kristine. Sa caption ng picture nilang magkakasamang apat, sabi ni Danica: “Walang effect ang wacky kay Kristine. Forever Diyosa!”

Sabi naman ni Pauleen, “Out of this world.” Dinagdagan pa ito ni Danica na maganda ang kanyang sister-in-law sa kahit anong angle. Ang ganda siguro kung igi-guest ni Bossing nang sabay-sabay sa Hay, Bahay sina Pauleen at Danica, dahil nasa cast naman si Kristine.

vuukle comment

REGINE EXCITED NA SA ANAK NI OGIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with