^

Pang Movies

Mga kontra walang nagawa kundi magmura pagkatapos maging ambassadress ng MMFF, Mocha bagong board member ng MTRCB!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naisahang muli ng controversial singer na si Mocha Uson ang showbiz. Matapos niyang gampanan ang role bilang 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ambassadress for social media, aba heto at siya ang newest appointee bilang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member, huh!

Natural, umarya na naman ang haters/bashers ni Mocha sa social media at narito ang ilan without mentioning their names:

“I promised myself NO NEGA POST FOR 2017. Pero _______ Mocha in MTRCB?! (with emoticons na galit, bwisit, inis)”

“Playtime! Daming deserving sa position na yan na mas credible.”

“OK na sana si Digong eh…dito sumablay eh sana si Dr. Love nlang. Wahahaha.”

“Sana hindi ito totoong bangungot! Hwag naman.”

“Katwiran ni Sec. Andanar, ‘Mocha is one of the biggest stars daw sa bansa. Ooooo…!” Pero kinurek ito at ibinigay ang link sa PhilstarNews/Status sa sinabi ni Sec. Andanar na, “Mocha is one of the biggest artists” daw sa tweet niya.

“Artist on what discipline?”

“Unang insulto of the year para sa mga totoong artists at totoong deserving para sa position na yan.”

Well, prerogative ni President Digong Duterte dahil siya lang ang may appointing power sa Konstitusyon. Mas marami nga lang ang umaayaw sa appointment ni Mocha kesa sumasang-ayon, huh!

Humanda ngayon ang movies na mai-screen ni board member Mocha. Changed woman na siya dahil sa conservative niyang kasuutan tuwing nagpi-perform sa stage, huh!

Kahit kumikita Seklusyon binawasan ng mga sinehan

Leading the pack ang Die Beautiful sa walong entries sa MMFF 2016 and it’s official!

Tama na ang kiyaw-kiyaw coz the people have spoken and the MMFF Executive Committee, huh!

Ewan ba naman sa ibang kampo at patuloy na binubulag ang publiko sa totoong number top grosser sa filmfest. Hindi nila matanggap ang naging kapalaran ng entry nila. Nagbago ang ihip ng hangin, so wala silang magagawa.

Of course, bumuhos ng pagbati sa stars ng Die Beautiful na sina Paolo Ballestros at Christian Bables pati na kay direk Jun Lana. Maging ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ay walang pagsidlan ng kaligayahan number one sa takilya ang Die Beautiful.

Kung may umaangal sa pagkakatanggal ng movie niya ay ang director na si Erik Matti ng Seklusyon. Nawindang siya nang after ng duration ng festival last January 3, tinapyas ang sinehang pinaglalabasan ng horror movie niya.

As we all know, number two ang Seklusyon sa top grossers ng festival.

At least, may naiwan pang sinehan. ‘Yung iba ay ending nang talaga, huh!

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with