^

PM Sports

Lady Pirates walang bakas ng pangangalawang

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit sa mahabang pahinga dahil sa Holiday season, hindi nagkaroon ng pagbabago ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates at madali nitong pinadapa ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 25-20, 25-23, 25-20 kahapon sa pagpapatuloy ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament na ginanap sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Tumipak ang team captain na si Cherilyn Jhane Sindayen ng 12 puntos para pangunahan ang ika-limang panalo ng Lady Pirates sa anim na laro.

Nahirapan si Sindayen sa umpisa ngunit nakuha rin nito ang dating sigla para iangat ang koponan ni coach Emil Lontoc sa sosyohan sa ikalawang puwesto kasama ang defending champion na St. Benilde Lady Blazers sa parehong 5-1 win-loss slate.

Bukod kay Sindayen ay umani rin ng tig-12 puntos sina Christine Mirales at Czarina Pauline Orros habang sampu naman ang naiambag ni La Rainnre Fabay.

Pero sa kabila ng panalo, hindi pa rin kuntento si coach Lontoc at sinabi nitong kulang sila ng familiarity sa court dahil hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-practice sa naturang venue.

“Maybe the players are not that used to playing here because we never practiced in this venue not even once. That is why I’m planning to hold team practices here soon,” sabi ni Lontoc.

Hangad ng Lady Pirates na makapasok sa Final Four sa unang pagkakataon mula nang sumali noong 2011. Ngunit kailangang malagpasan nila ang hamon ng University of  Perpetual Help sa darating na Jan. 13, Arellano University Lady Chiefs sa Jan. 18 at San Sebastian College Lady Stags sa Jan. 25. Lahat ng mga ito ay mga Final Four contenders din.

Ang Lady Generals ay bumagsak sa 0-7 (win-loss) record.

Sa juniors division, nanalo rin ang LPU Junior Pirates kontra sa EAC Brigadiers, 25-19, 25-23, 22-25, 25-22, para manatiling wala pang talo sa loob ng apat na laro habang ang Brigadiers ay nahulog sa 5-1 card.

Sa men’s division, nagawa ng LPU ang triple celebration sa panalo ng Pirates laban sa EAC Generals, 25-27, 25-20, 25-18 para manatiling buhay ang pag-asang pumasok sa Final Four sa kanilang 3-2 card at ibagsak ang EAC Generals sa 0-7 slate.

vuukle comment

PHILIPPINES LADY PIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with