^

PSN Showbiz

ABS wagi sa ginawang christmas campaign

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagdiwang ng ABS-CBN ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga Pilipino bilang isang pamilya sa isinagawa nitong Christmas campaign na Isang Pamilya Tayo.

Kabilang dito ang Christmas station ID na talaga namang inaabangan ng mga manonood at umani na ng 2.5 milyon views online. Patok na patok ang theme song nito na Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko na may mensaheng walang imposible sa mundong ito hanggat’t nagmamahalan at nagkakaisa ang pamilya.

Abot-kamay din ng ABS-CBN ang mga Kapamilya sa probinsya sa ginawang Kapamilya Simbang Gabi sa Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu), Naga Metropolitan Cathedral (Naga), Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag (Pangasinan), San Sebastian Cathedral of Lipa (Batangas), St. Francis of Assisi (Davao), at Parokya ni San Pedro (Bulacan) at ipinalabas live sa telebisyon.

Bumida naman ang medical at dental missions, job fair, raffle, games, at libreng programa mula sa Kapamilya stars sa ABS-CBN News Family Fair na ginanap sa Marikina Sports Complex at dinaluhan ng libu-libong Kapamilya.

Nakibahagi rin ang ABS-CBN Sports sa isinagawa nitong basketball clinics sa Bulacan, Navotas at Quezon City kung saan tinuruan ng basic skills sa basketball ang mga kabataang may edad 9 hanggang 16, habang ang Star Creatives at Cinema One naman ay nagsanib-puwersa para maghatid ng libreng screening ng That Thing Called Tadhana sa mga estudyante ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.

Samantala, tumungo naman ang Hashtarana segment ng It’s Showtime sa Payatas kung saan kinilala ng show, sa pamamagitan nina Hashtags Nikko at Luke, ang isang model family at pinagkalooban pa ng scholarships ang tatlo sa mga supling.

Hindi lang sa Metro Manila naganap ang pagdiriwang ng Pasko ng Kapamilya kung hindi pati rin sa Bacolod at Dumaguete kung saan nagsagawa naman ng community Zumba activities ang ABS-CBN Regional.

Bilang pagtatapos sa selebrasyon, idinaos ang inaabangang ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum at nagdala ng saya sa maraming fans sa pagtatanghal na ipinamalas ng mahigit 200 Kapamilya stars.

Maging netizens ay nakisaya rin sa pagdiriwang matapos mag-trend worldwide ang official hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with