^

PSN Showbiz

Baguhang aktor na hinulaang sisikat, iba ang hitsura nung orig pa ang ilong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Baguhang aktor na hinulaang sisikat, iba ang hitsura nung orig pa ang ilong!

Dahil sa mga old video ng aktor na baguhan, buking na buking na may ipinaayos siya sa kanyang mukha.

Kasali ang aktor sa listahan ng mga baguhan na inaasahan na sisikat ngayong 2017.  Naghanap ang staff ng isang television show ng file video ng aktor dahil kailangan ito sa history ng showbiz career niya na ipapakita sa TV.

Naloka ang production staff dahil ibang-iba ang hitsura noon ng aktor as in kung ipapakita nila sa telebisyon ang old video, baka mapagbintangan sila na mali ang kanilang research.

Nagkaroon tuloy ng problema ang production staff pero ginamit pa rin nila ang file video dahil hindi naman sila ang may kasalanan sa pagbabagong-anyo ng aktor na nagpatsugi ng ilong.

To be fair sa aktor, dedma ito sa isyu na nagpaayos siya ng mukha. Hindi siya nagde-deny at lalong hindi umaamin.

Prince at BF todo display  sa L to L

Magkasama na sinalubong ng mag-dyowang Prince Stefan at Paolo Amores ang 2017.

Walang kiyemeng nag-lips to lips ang dalawa nang i-announce ang opisyal na pag-uumpisa ng bagong taon.

Dedma sina Prince at Paolo, kahit marami ang nakatingin sa paghahalikan nila. May-I-post pa nga ng dalawa sa social media ang kanilang kissing portion.

Lucky gays sina Prince at Paolo dahil tanggap na ng lipunan ang gay relationships. Hindi kagaya noong araw na hinuhusgahan ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae at lalake.

Sen. Grace iimbestigahan din ang pagpatay sa aso ng Oro!

Hindi na nakapagkusang ibalik ng producer ng Oro ang Fernando Poe, Jr. Memorial Award for Excellence na ibingay sa kanila noong Gabi ng Parangal dahil sa kontrobersya ng pagpatay sa aso sa pelikula dahil binawi na ito kahapon.

Nauna na rito, may naging pahayag ang senadora tungkol sa isyu.

Malinaw at parehas ang statement ni Senator Grace Poe tungkol sa eskandalo na nilikha ng tsinugi na aso.

“I call on the MMFF organizers to look into the matter of whether a dog was actually butchered as part of the filming of the movie ‘Oro’ in violation of the existing law on animal welfare. If in fact that were the case, I condemn such act and would move for the invalidation of the FPJ award given to the film.

“The MMFF and the producers of ‘Oro’ should fully cooperate with the concerned government agency for the immediate investigation on this matter. Artistic license does not justify the violation of our laws. Though I am not part of the jury that decided on the award, it is my responsibility to uphold the values of FPJ. He would never condone an act of animal cruelty.

“Aside from the possible criminal liability if indeed proven, the MMFF should also consider applicable administrative sanctions against the producers and/or filmmakers for any misrepresentation before the MMFF selection committee on this matter which in itself may already justify the movie being stripped of any and all awards it received among other sanctions,” ang official statement ni Mama Grace na tutol na tutol sa pananakit at pang-aabuso ng mga tao sa mga hayop, lalung-lalo na sa mga aso.

 

vuukle comment

PRINCE STEFAN AT PAOLO AMORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with