^

Metro

4 na Pinay na surrogate mothers, recruiter hinarang sa NAIA

Butch M. Quejada, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong New Year’s Day ang apat na kababaihan na umaming magiging ‘surro­gate mothers’ sa Cambodia kapalit ng malaking halaga.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang apat na kababaihan at kanilang recruiter ay papasakay na ng  Thai Airways sa NAIA 1 terminal nang hindi payagan ng BI travel control and enforcement unit.

?Sa pahayag ng mga apat na biktima ng human trafficking,  may susundo sa kanila pagda­ting sa Bangkok na Cambodian patungo sa Phnom Penh na siyang nakipagtransaksiyon sa mga dayuhan na nais na magkaanak sa kanila.

“This is a new modus operandi of a human trafficking syndicate that preys on our Filipino women who are enticed to bear children of strangers for a fee because of their poverty.  We cannot allow this to happen,” ani Morente.

Pinuri naman ni Morente ang mga immigration officers na nakapigil sa paglabas ng apat at recruiter kasabay ng pahayag na mas paiigtingin pa nila ang kanilang monitoring sa mga magtutungo sa Thailand at Cambodia.

Ibinunyag din ng apat na may mga kasunod pang batch na tulad nila na nakatakda sa­nang maging surrogate mo­thers din.

Pinangakuan ang apat na babayaran ng US$8,700 kung saan ang US$200 ay ibibigay sa unang injection ng foreigner’s­ sperm sa uterus at ang US$500 ay ibibigay kung may  heartbeat na sa sinapupunan.

Magiging installment naman ang pagbabayad ng kabuuan halaga hanggang sa ipanganak ang sanggol at maidala sa paternal parent.

Ang mga sanggol ay pala­lakihin ng mga German, Ni­gerian, Australian, at Chinese.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with