^

Bansa

Sugatan sa paputok bumaba ng 60% - DoH

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni Department of Health (DoH) Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial na tagumpay sila sa kanilang kampanya kontra sa paputok matapos walang naitalang nasawi at bumaba ng 60% ang bilang ng mga biktima ng paputok nitong pagsalubong ng bagong taon.

“This is the lowest ever,” deklarasyon pa ni Ubial.

Sa ginanap na press briefing kahapon, sinabi ni Sec. Ubial, nakapagtala lamang ang DOH ng 350 fireworks related injury kung saan 348 ang nasabugan ng paputok habang dalawa ang nakalulon ng paputok.

Sa 348 na bilang, pinakamarami ang nabiktima sa National Capital Region (NCR) may 211 kaso (60%), Western Visayas, 34 kaso 10%); Central Luzon, 29 kaso (8%).

Nabatid na mas mababa umano ang naturang bilang kumpara sa 932 biktima ng paputok noong 2015.

Ang pinakamaraming bilang ng mga biktima sa pagsalubong sa bagong taon ay noong 2006 na umabot sa 1,306.

Sa kabila nito ikinalungkot naman ng kalihim na nasa 132 sa mga sugatan o nasa 38 percent ay dahil pa rin sa paggamit ng iligal na piccolo.

Karamihan din sa mga sugatan ay mga bata na nasa 15-anyos lamang pababa.

“Nais naming pakiusapan lalo na ang mga bata na huwag mamulot ng paputok na nagkalat sa kalsada. Siguraduhin din na pumunta sa ospital kung ikaw ay nagkasugat ng dahil sa paputok, maliit man o malaki ang sugat na iyong nakuha, dapat pa rin itong lapatan ng tamang gamot. Ang tetano ay nakamamatay, at ito ay nakukuha sa sugat na nanggagaling mula sa paputok,” ayon kay Ubial.

Nabatid na magtatapos rin sa Enero 6 ang isinasagawang Firecrackers Relate Injuries Surveillance na unang sini­mulan noong Disyembre 21, 2016.

Nilinaw din ni Ubial na ang Iwas Paputok Campaign ay hindi natatapos sa Enero 2017 dahil mas palalawakin pa nila ang kampanya sa pamamagitan ng pagsusulong na maaprubahan ang Executive Order na magba-ban sa paggamit ng paputok.

Kasabay nito, todo pasa­lamat ang DoH sa iba’t ibang sektor na tumulong sa kanilang kampanya upang mapababa ang insidente ng firecracker injuries sa pagsalubong sa bagong taon.

Kabilang din ang koo­pe­rasyon mula sa mga local government units kung saan isinulong ang pag-organisa sa komunidad na may iisang lugar ng public fireworks display, nandiyan din daw ang epek­tibong kampanya ng PNP at malaking tulong din na ginawa ng media.

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with