^

PSN Palaro

POC officials gigisahin ng Kongreso

THE GAME OF MY LIFE - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang resolusyon sa House of Representatives ang magtatakda sa pagbusisi sa palpak na pangangasiwa sa Philippine Olympic Committee (POC) at sa pag-abuso ng kapangyarihan ng mga opisyal nito.

Isinampa nina Representatives Salvador Belaro Jr. ng party-list group Ang Edukasyon at Ron Salo ng Kabayan ang Resolution 579 para imbestigahan ang POC.

Ayon kay Rep. Mikee Romero ng 1-Pacman, ang vice chairman ng committee on youth and sports development, magtatakda ang panel ng hearings sa pagbabalik ng sesyon ng Congress sa kalagitnaan ng Enero.

Nauna nang hiniling ni Romero kay president Jose Cojuangco Jr. na magbitiw sa kanyang puwesto sa POC para bigyang-daan ang pag-upo ng mga batang sports leaders.

Sa kanilang house resolution ay sinabi nina Belaro at Salo na ang maling pamamahala sa POC ang nagresulta sa malamyang kampanya ng bansa sa mga international sports events.

“From ranking first in the most number of medals in the Southeast Asian Games in 2005 (112 gold medals, 84 silver medals and 94 bronze medals), the Philippines now ranks sixth. In the Asian Games, the country ranked 18th in 2006; it is now in 24th,” wika ng dalawang Congressmen.

Sa 12 taon na termino ni president Jose Cojuangco Jr. sa POC ay isang medalya lamang ang nakuha ng bansa sa Olympic Games.

Nakuha ni Cojuangco ang bago niyang four-year term mula sa isang contentious election matapos madisku­walipika si Ricky Vargas ng boxing association

Sinabi nina Belaro at Salo na maging sina Senators Juan Edgardo Angara at Antonio Trillanes IV at Taguig Rep. Pia Cayetano ay ibinunton ang sisi sa POC sa palpak na kampanya ng bansa sa mga international sports events.

Kinuwestiyon ni Angara ang desisyon ng POC na huwag isali ang multi-awarded at world champion na Philippine Dragonboat Team sa SEA Games sa Myanmar noong 2014.

Isang malversation case naman ang isinampa ni Trillanes laban kay Cojuangco noong 2013 dahil sa pagbibigay ng pondo sa mga bogus national sports associations.

Nagsampa rin ng malversation case si dating Phi­l­ippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping sa POC bunga ng kabiguan nitong magsumite ng liquidation sa nakuhang P73.2 milyon bilang PSC financial assistance.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with