^

PSN Opinyon

Alan in Yasay out

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang inaasahan nating mangyayari sa papasok na taong 2017. Mawawala na bilang Secretary of Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay at papalitan na siya ni dating Sen. Alan Peter Cayetano.

Iyan naman talaga ang dating kasunduan. Si Yasay ay pumayag noon pang una na maluklok sa puwesto habang hindi pa puwedeng hirangin ni Duterte si Cayetano dahil katatakbo lang nito bilang Vice President noong eleksyon.

Masaya ako para kay Yasay. Kitang-kita naman kasi na nahihirapan siya sa pagtutuwid sa mga undiplomatic remarks ni Duterte. Hindi madaling trabaho iyan. Sasa­bihin ng Pangulo, nakikipag-breakup siya sa US of A, tapos sasalag si Yasay at sasabihing hind yun ang ibig sabihin ng Pangulo.

Kaya nga, hindi man dapat sisihin, may mga taong tumutuligsa kay Yasay dahil ang tono ng pagsasalita niya ay kakaiba kay Duterte.

Harapin natin ang totoo, at ito ay inaamin mismo ni Duterte. Hindi siya isang “statesman” at ang posisyong hinabol niya noong eleksyon ay Pangulo.

Sa personal kong pananaw, mas akma ang takbo ng isip ni Cayetano sa estilo ni Duterte. Naririnig natin kung papaano niya pinapanigan talaga ang bawat salitang bini­bitiwan ng Pangulo. Sa ibang salita, “magka-vibes” silang dalawa bagamat mas matuwid ang dila ni Cayetano.

Palagay ko, dapat nang pag-aralan ni Yasay kung paano siya makakapag-adjust sa style ni Duterte kung sakaling bigyan siya ng posisyon bilang embahador ng Pilipinas sa alin mang bansa.

vuukle comment

FOREIGN AFFAIRS SEC. PERFECTO YASAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with