Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (8)
Kapag nananakit ang puson, balakang, o ibabang bahagi ng likuran, hindi laging menstruation ang dahilan nito. Puwedeng simpleng problema lang sa tiyan ang nararamdaman pero maaaring may seryosong dahilan ito.
Puwedeng ito ay dahil sa Inflammatory Bowel Disease (Crohn’s Disease or Ulcerative Colitis); ovulation; pumutok na cyst; pagbubuntis, ectopic pregnancy o dahil sa Endometriosis na natalakay na natin.
Puwede rin namang dahil ito sa Pelvic Inflammatory Disease (PID).
Ang PID isang bacterial infection na puwedeng kumalat sa pamamagitan ng sex. Naaapektuhan ang bahagi ng katawan na tumutulong sa pagbubuntis.
Kabilang dito ang fallopian tubes, sinapupunan, ovaries, vagina, at cervix.
Makararamdam ng pananakit sa magkabilang bahagi ng belly at lower back kahit hindi mo naman inaasahan ang iyong period.
Puwede ring magkaroon ng vaginal discharge at minsan ay spotting.
Maaaring makaramdam ng sakit o hapdi sa pakikipag-sex o kapag umiihi. Puwede ring medyo malakas o mas matagal ang iyong period. Puwedeng lagnatin at makaramdam ng pagkahilo o nagsusuka.
Sa ganitong sitwasyon, ipinapayong kumunsulta agad sa doctor. (Itutuloy)
- Latest