^

PM Sports

2016 Batang Pinoy National Finals Verdadero 4-gold sa athletics

Pang-masa

Tagum City, Philippines, Philippines – Tagumpay sa pagdedepensa sa 200-m dash si Veruel Verdadero ng Dasmariñas, Cavite para masungkit ang ikaapat na gintong medalya sa huling araw ng athletics kahapon sa 2016 Batang Pinoy National Finals na ginaganap sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex ng Barangay Mankilam dito.

Matapos ang madikit na laban, nagtala ang 14-anyos na si Verdadero ng oras na 23.29 segundos para sa kanyang ikaapat na panalo sa 13 to 15-year category. Si Verdadero, ang  MVP ng kumpetisyon noong  nakaraang taon sa Cebu City ay nanalo rin sa 100-m dash (11.40-sec.), 400-m run (52.00) at kasama rin siya sa relay team ng Dasmariñas na namayani sa 4x100-m relay (47.20).

May halong lungkot ang kanyang tagumpay dahil pagkatapos ng 200-m dash, nagkaroon  ang Grade VIII student ng Immaculate Concepcion Academy ng hamstring injury sa kaliwang binti kaya pinayuhan siya ng kanyang coach na magpahinga na lamang at hindi sumali sa 4x400-m relay.

“Masaya pa rin ako dahil at least apat na gold me-dals pa rin ang nakuha ko. Ngunit may halong lungkot dahil hindi ako nakatakbo sa 4x400-m relay. Pinaghandaan ko talaga itong limang event. Sayang talaga,” sabi ni Verdadero, bronze medalist sa Children of Asia Games na ginanap sa Yakutsk, Russia noong Hulyo.

Nakakuha naman ng pitong gintong medalya ang Laguna para dominahin ang larong wrestling na ginanap sa Robinson’s Mall sa pangunguna nina Cristine Joy Labandan sa kids girls 30kg-A, Semarlyn dagata sa kids girls 32-kg-A, Beverly Mariquit sa girls 34kg-A, Michelle Belitor sa kids girls 37kg-A, Jaybee Pamulaklakin sa kids boys 29kg-B, Sherwin Belmonte sa kids boys 35kg-B, Lovely Presillas sa girls 40kg-B at  Dinzy Kate Flores sa girls 44kg-B. 

Ang Mandaluyong City ay pumapangalawa sa wrestling sa anim na ginto mula kay Jonathan Falsario sa kids boys 35kg- A, Greg Vincent Ramores sa kids boys 59kg.-A, Gail Nhicole Dimasalal sa kids girls 26kg-A, Romy Kent Madjos sa kids boys 26kg-B, Erica Bernal sa kids girls 30kg-B at  Melissa Tumasis sa kids girls 37kg-B.

Sa penultimate day ng  pagdaraos sa taunang kumpetisyon, naagaw ng Cebu City ang top spot sa 25-14-9 gold-silver-bronze. (FCagape)

vuukle comment

2016 BATANG PINOY NATIONAL FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with