^

PSN Palaro

Elite masusubukan sa Tropang Texters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito na marahil ang pina­kahihintay na pagtatapat sa hardcourt ng isang beteranong power forward at dating collegiate star na gumagawa ng ingay.

Magtatagpo sina 6-foot-5 Ranidel De Ocampo at rookie forward Mac Belo sa bakbakan ng TNT Katropa at Blackwater ngayong alas-4:15 ng hapon bago ang salpukan ng Globalport at Star sa alas-7 ng gabi sa 2016-2017 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Target ng Elite ang kanilang ikatlong sunod na ratsada para masolo ang liderato matapos talunin ang Phoenix Fuel Masters, 94-87  at ang Me­ralco Bolts, 86-84  kung saan umiskor si Belo ng 17 at 25 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa naturang dalawang panalo ng Blackwater ay nagposte si Belo ng mga averages na 21 points, 7.5 rebounds at 1.5 steals.

“Slowly you can see some glitter in our team. Hopefully, it develops to it’s full potential,” sabi ni coach Leo Isaac. “Ang tumatakbo sa isip ko is that other teams will be prepa­ring harder for us unlike the past years”.

Humugot naman si De Ocampo ng 15 sa kanyang 22 points sa fourth period para akayin ang Tropang Texters sa come-from-behind 108-103 win laban sa Ginebra Gin Kings.

Inaasahang maglalaro si scoring guard Jayson Castro makaraang ipahi­nga ng TNT Katropa, opis­yal na hahawakan ni coach Nash Racela, sa kanilang unang dalawang laro.

“Maglalaro na siya. Ma­laking bagay ‘yun na ga­ling kami sa panalo tapos babalik na siya,” wika ni De Ocampo kay Castro.

Sa ikalawang laro, ha­ngad ng Batang Pier ni Franz Pumaren ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Hotshots ni Chito Victolero.

Umiskor ang Globalport ng 97-75 panalo laban sa Mahindra tampok ang 29 points ni Terrence Romeo at 16 markers ni Stanley Pringle.

Nagmula naman ang Star sa 88-96 pagyukod sa nagdedepensang San Miguel sa pagbubukas ng torneo.

vuukle comment

RANIDEL DE OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with