^

PSN Opinyon

Huwag literal?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ETO na naman tayo. “Figure of speech” lang daw ang banta ni Pres. Rodrigo Duterte noong nagpahayag na kung magiging balakid lang sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga ang mga sumusulong ng human rights sa bansa, isasama na rin daw niya silang papatayin. Huwag daw gawing lite­ral ang mga salita ng Presidente. Ganun lang daw talaga magsalita. Ano ang sinasabi ng mga tao ni Duterte? Na huwag siyang seryosohin bilang Presidente ng Pilipinas? Na sa 10 sabihin, iilan lang ang totoo o seryoso? Lagi na lang ganyan, may paliwanag ang mga tauhan ng Presidente? Ayaw pakinggan ang payo ni dating Pres. Fidel Ramos na mag-ingat sa mga pahayag.

Pero bakit hindi mababahala ang mga sumusulong ng karapatang pantao? Bakit hindi gagawing seryoso ang banta ni Duterte, kung higit apatnalibo na ang napapatay sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga? Ang bukambibig ng Presidente ay “patayin, papatayin, uubusin”. Papatayin ang isangdaang libo at itatapon sa Manila Bay bilang pataba sa mga isda, papatayin ang tatlong milyon tulad ng pagpatay ni Hitler sa tatlong milyon (anim na milyon ang napatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Hindi ba ganun na nga ang nangyayari? Sasabihin ng kanyang mga tauhan na hindi literal ang kanyang mga salita. Paano pala kung may mga tapat sa kanya, na gagawin ang anumang sabihin niya, at susundin nga ang kanyang banta na isama na sa patayan ang mga sumusulong ng human rights? Hindi nga literal ang mga salita ni Duterte, pero baka literal naman sa kanyang mga tapat na tao. 

Presidente ng Pilipinas si Duterte. Hindi puwedeng palagi na lang may paliwanag ang lahat ng kanyang sasabihin. Siya na mismo ang nagsasabi na hindi na siya mayor lang ng isang bayan, kundi Presidente na ng Pilipinas. Lahat nang kanyang binibigkas ay may kabuluhan. Ang gusto ba ng Palasyo ay hindi na lang seryosohin ng bansa, at ng mundo, ang Presidente ng Pilipinas, at hintayin na lang ang kanilang mga paliwanag sa mga kanyang mga biro, hyperbole, frustration, symbolism at figure of speech, at kung kailan na rin seryoso?

vuukle comment

FIGURE OF SPEECH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with