^

Punto Mo

Pinakamatandang tao sa mundo, nagdiwang ng 117th birthday

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAGDIWANG ni Emma Morano, isang Italyano na kinikilalang pinakamatandang tao sa mundo, ang kanyang ika-117 kaarawan noong nakaraang Martes.

Ipinanganak noong Nobyembre 29, 1899, si Morano ang kinikilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang tao sa mundo.

Bukod doon, kinikilala rin siya bilang kaisa-isang tao na ipinanganak noong 1800s na nabubuhay pa.

Ipinagdiwang ni Morano ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga pamangkin na pawang may mga edad na rin sa kanilang tirahan sa Verbania, Italy.

Bilang bahagi ng selebrasyon, hinipan ni Morano ang tatlong kandila sa kanyang cake na kakorte ng mga numero ng kanyang edad.

Kilalang-kilala si Morano kaya naman kahit President ng Italy ay naalala ang kanyang kaarawan at nagpadala pa ng opisyal upang ipahatid ang kanyang pagbati.

Wala naman daw bagay na makakapagpaliwanag sa mahabang buhay ni Morano ayon sa kanyang doctor na si Dr. Carlo Brava.

Sadya lang daw talaga na nasa lahi ni Morano ang pagkakaroon nang mahabang buhay katulad ng iba pang mga Italyano na karamihan ay naninirahan sa isla ng Sardinia na lumampas na sa 100 ang mga edad.

vuukle comment

EMMA MORANO

PINAKAMATANDANG TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with