^

Pang Movies

AiAi kutsilyo ang laging gustong regalo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi kutsilyo ang laging gustong regalo
AiAi

Sa bansa magsi-celebrate si AiAi delas Alas ng Pasko kasama ang apat na anak na sina Sancho, Nikki, Sofia at Seth. Nu’ng mga nakaraang taon kasi, lagi silang magkakasama sa Amerika.

“Baligtad nga ngayon. Kasi ‘pag may entry ako sa festival, ngarag-ngaragan akong lilipad after ng Parade of Stars. Ngayon, hindi ko naman alam na hindi kami makakapasok. Kasi hindi kami natapos eh,” sabi ni AiAi sa taping ng Superstar Duets kung saan guest judge siya sa last two episode simula next week.

Kumpleto pa rin sila sa Pasko at Bagong Taon. Babalik ng January 5 sina Nikki at Sofia.

“Ako, happiest day ko ang Pasko. Lalung-lalo na ‘yung sa mga anak ko. Kasi nu’ng bata ako, ewan ko. Hirap mag-backtrack nu’ng bata ako eh.

“So simula nu’ng nagkaanak ako, I see to it na ito ang pinakamasayang araw ng buhay ng mga anak ko. Kunwari may mga ninong sila, nauso sa akin ‘yung five gifts tapos ngayon binibigyan ko ang mga anak ko ng five gifts.

“Kasi ‘pag ang ninong nila, nakakalimutan sila, at least, marami silang regalong binubuksan. Kaya ngayon, masayang-masaya ang mga bata ‘pag Pasko kahit ngayong matatanda na sila. Nakasanayan nila ‘yung feeling na masaya sila,” paliwanag ni AiAi.

Kasama ni AiAi sa taping ang boyfriend na si Gerald (Sibayan). Ibinalita ng Comedy Queen na birthday ni Ge kahapon, November 30.

“Ano ang Christmas gift mo sa akin?” tanong ni Ai kay Gerald.  “Surprise!” sey naman ni Gerald.

“Pero madali siyang regaluhan,” dagdag ni Ge.

Para kay AiAi, ang simpleng ballpen, papel, at mga bagay na apple green ang nagpapaligaya sa kanyang regalo.

“Mahilig din siya sa walang kamatayang kutsilyo!” sabi pa ni Gerald.

Rason ni Ai Ai, “Ha! Ha! Ha! Kasi nga mahilig akong magluto kaya mahilig ako sa magandang kutsilyo! Para pag hiniwa mo ‘yung sibuyas ng magandang kutsilyo, ang ganda! Pag pangit ang kutsilyo, nabubuwisit akong magluto! Ha! Ha! Ha!”

Gabby handang iwan ang trabaho para sa pelikula nila ni Mega

Maugong pa rin ang balitang magsasama sa movie ang ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Medyo okay na naman silang dalawa kaya libre na silang ituloy ito.

“Ida-drop ko ang lahat!” sagot ni Gabo nang matanong siya tungkol dito sa presscon ng bagong GMA series na Ika-6 na Utos.

“Kidding aside, hindi ko maiiwanan ang grupo kong ito. Pero matagal ko na ring gustong gawin ‘yon. Meron ngang nababalita na sabi nila, ako raw ang ayaw. Sabi ko, imposible!

“Hinding-hindi puwedeng ako ang maging dahilan upang hindi matuloy ‘yon. In fact, nu’ng dating ko rito gusto ko sana, ‘yun ang unang pelikulang gawin ko. Hinihintay ko na lang.

“Pero wala pang tawag kung matutuloy ‘yon. Ako, walang problema. Baka story. I think story ang problema,” dagdag pa ni Gabo.

Hindi man matuluy-tuloy ang balik-tambalan nila ni Sharon, sa bagong GMA afternoon series, leading lady na ngayon ni Gabby ang dating child star na si Sunshine Dizon sa movie nila noon na Huwag Kang Hahalik sa Diablo, huh!

 

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with